June 17, 2009

Haligi ng Tahanan

Haligi ng Tahanan

I am glad na mapabilang dito sa PEBA. Naniniwala po ako sa bawat kwento ng buhay ng isang OFW ay meroon tayong kapupulutan ng aral. Maging ito man ay maganda o bangongot na karanasan sa bayang banyaga. Para ma up lift ang spirit ng bawat OFW at ama ay nais ko lang ibahagi ang aking munting pakikibaka sa Ginang Silangan. Ito po ang aking opisyal na entry sa PEBA 09 .

************************************************************************************
Haligi ng Tahanan
image by Dale N Ruth

Mahirap ang mawalay ng “Pansamantagal” sa mga mahal natin sa buhay. Bilang isang padre de pamilya ay obligation na maitaguyod ang ating family. Kahit anong hirap ang iyong makakasagupa. Handa mong suungin saan ka man mapadpad ng iyong panyapak.



Mahigit walong taon na rin akong OFW sa gitnang silangan. Two and a half pa lang si Angel, ang bunso naming anak, noong ako ay nakaalis. Na miss ko tuloy ang lakas ng kanyang iyak ng nasa NAIA kami. Pati na yung n
a yakap nyang na napakahigpit. Na wari ko ay madudurog ang aking puso sa patak ng kanyang luha. Kaya sa pagtalikod ay di ko kayang pang lumingon muli. Tatlong taon na mahigit nang ako’y naka uwi sa Pilipinas. Kamuntik na nga ako hindi makilala ni bunso. Salamat na lang sa mga makabagong teknolohiya.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maayos ang employer na ating madadatnan. May mga karanasan ako na minsan ay hindi ko alam kung papaano ko nalampasan. Noong unang dating ko sa Taif, Saudi Arabia, ay medyo nagulat ako sa situasyon. Na hire ako bilang technical support ng computer, yun pala computer ng kotse ang pinagagawa sa akin. Kahit papaano ay na ayos ko naman ang conflict na yun. Kaya lang ay sadyang mahiyain ang boss ko. “Shy” nga magpasahod. Akala ko nga high tech itong amo namin. Kasi may naririnig akong ATM daw magpasahod doon sa lugar ng Taif. Ang sinasabing ATM pala ay “After Three Months” ang sweldo. At hindi lang iyon, installment pa. Aray ko po! masakit na sa ulo pati na rin sa bulsa. Gayun magpapadala ka at meron pang nakabinbin na mga utang na iniwanan.

Sa maliit na sweldo ay ginagawa pa rin namin mag asawa na magkaron ng tuloy-tuloy komunikasyon. Wala pang cell phone gaano nong taong 2000. Kaya sa telephone cabin ako tumatawag. At every week kami nag kakasulatan ng Sweetheart ko. Minsan ay nagrerecord pa ako ng voice tape. Iyon Pati ang biyenan ko naiyak sa kalagayan ko.

Pagkaraan naman ng anim na buwan ay na transfer ako sa ibang employer. Kung saan ay napunta ako sa Riyadh. Nagpasalamat ako sa Dios at nakawala ako sa shy kong amo. Kapag sinuswerte ka nga naman ay daig pa ang minamalas. Shy din ang naging bago kong amo. Mabait naman siya at wala naman ako naging problema pagdating sa trabaho. Hindi ko masisi at maliit lang na computer shop na pag-aari nya. Isa pa sadyang humihina na ang business nya.

Nakikishare lang ako ng kwarto kay Tony. Minsan nagbaksyon siya ay sinamantala ng kasera namin,Pililipo, na komprontahan ako tungkol sa upa ng bahay. Nais niyang mangyari ay ukupahan ko yung isang bakanteng silid. Hindi kaya ng budget ko kaya tinanggihan ko ang alok nya. Dahil sa maunawain siyang tao ay binigyan naman ako ng hanggang katapusan ng buwan para maghanap ng malilipatan. Kahit ganun ang trato nya ay hindi ko makuhang magalit sa kanya. Kaya ipinagdasal ko na lang sya kay Lord.

Para nga ako si Santa Clause. Kasi ba naman mula pasko hanggang sa paghihiwalay taong 2001 ay isa na akong NPA (No Permanent Address). Kasunod pa nito ay tinigil na ng amo ko ang pagbibigay sa akin ng housing allowance. Aray ko po! Napasakit Kuya Eddie talaga. Sabi ko na lang sa sarili ko ay may plano si Lord sa akin kaya nagtitiwala pa rin ako sa kanya.

Mahigit tatlong buwan ay nakikituloy ako sa mga kaibigan. Marami pa rin sa atin ang may mabuting kalooban at handang tumulong sa kapwa, kahit na maliliit na empleyado lang sila. Para ako isang "boy scout" na palagi may kamping. Araw at gabi ay sukbit ko ang aking Knapsack. Sa magkabilang kamay naman ay may bitbit na gamit, damit at kung anu-ano pa. Sa loob ng isang lingo ay pa palit-palit ako sa tatlong bahay na tinutuluyan ko. Kasi baka masita sila ng kanilang employer kapag may outsider sa kanilang accommodation. Sa oras ng mga pagsubok ay makikilala mo ang mga tunay na mga "kapamilya at kapuso". Paano ba naman meron akong kaibigan na halos ipagtabuyan ako. Bahala na lang si Lord sa kanya, sabi ko sa sarili ko.

Sa awa naman ng Dios ay na transfer uli ako sa panibagong amo. Nalipat ako sa malaking computer shop. Sa pagkakataong ito ay naging maayos na ang aking kalagayan. Nagpapasalamat nga ako kay Lord at nagkaroon na ako ng tirahan, tamang pasahod at peace of mind. Sa tatlong transfer ko ng mga employer ay umabot akong tatlong taon mahigit bago ako nakauwi.

Bilang isang ama ay handa kong tiisin ang kalungkutan at pangugnulila sa aking pamilya. Nakakamiss talaga ang sama-sama at salu-salo together. Masakit man sa kalooban ko na wala ako sa tabi nila sa mga time na sila ay may mga problema at karamdaman. Batid namin na kailangan maging matatag sa mga trials na dumarating sa amin. Nagpapasalamat ako kay Lord at biniyayaan ako ng asawang maunawain at mapagmahal. Ganun din kay John, aming panganay na anak, ay naging mature sa panahong wala ako sa tabi nya. Patuloy kami dumudulog sa Panginoon sa kanyang gabay at patnubay.

Alam ko na hindi ako nag-iisa sa mga ganitong sitwasyon. Marami sa mga OFW na nakakaranas ng mas matindi pang problema pagdating sa mga amo, tirahan, trabaho at maging sa sariling pamilya. Katulad ko rin sila na handang magtiis at magsumikap para
sa aming pamilya. Sa pagiging isang OFW ay nabibigyan ko ng wastong edukasyon ang aking mga anak . Na kung saan sa kanila magmumula muli ang mga bagong pag-asa ng bayan. Kaya't hindi tayo basta susuko sa mga problemang ating nararanasan. Ipagkatiwala natin sa panginoon ang mga trials. Maging matatag tayong haligi ng ating tahanan.

Sa mga sakripisyo ng bawat OFW ay katumbas ng katagumpayan ng ating bayang Pilipinas. At bilang isang OFW malaki ang ating partisipayon sa magandang kinabukasan ng ating pamilya at bansa. Nagsisimula sa bawat individual na OFW ang pag-asa ng bayan na maihahandog natin sa mundo.

***********************************************************************************
Please visit PEBA2009 Para po sa inyong boto. Maraming salamat at mabuhay ang bawat Pilipno!

31 comments:

  1. Halos lahat ng OFW pare parehas ang kwento ng buhay, lahat sinakripisyo ang makasama ang mga mahal sa buhay para sa magandang kinabukasan...

    Good Luck pre, kita kits :)

    ReplyDelete
  2. very challenging at scary para sa akin ang magtrabaho abroad...alang-alang sa pamilya nagawa mo lahat yan...ingat tol...

    ReplyDelete
  3. Lord CM - salamat bro! definitely marami sa atin umalis bcoz of our family. unless na lang kung may tinataguan utang or babae o dikaya heart aches :)

    Moks - well may dahilan yun bro. kasi may eded na daw ako at over qualify sabi nila sa atin. kaya tiis sa bayang banyaga. Salamat bro.

    ReplyDelete
  4. Ang palagian ko pong dasal para sa mga katulad yung maapreciate palagi ang mga amang katulad nio ng mga anak, dahil ako isa sa mga di pinalad na magkaron ng haliging di mattag inanay po eh...pero pasalamat na din ako at least natuto ko sa buhay dahil dun...Mabuhay ka, nwa'y magigigng mas matatag ka pa po di man para sa sweetheart higit po para sa mga anak mo..GODBLESS

    ReplyDelete
  5. Thank you for joining PEBA.

    Naiyak ako, di ko dinanas yung dinanas mo pero I heard and know and with people dito sa Saudi na may mga karanasan exactly like you. Gawa ng pagmamahal sa pamilya at pangarap, kinakaya nila.

    May pagkawitty ang post mo, pero reality bites as well na only an OFW or EX-OFW can relate. Thank you for your entry. We are currently adding you in the poll widget. Goodluck Jess!

    ReplyDelete
  6. uy kàsàli kà, yehey!

    even sà Frànce àko, your story i experienced it, ksi if bàgo pà lng, nàg ààdjust pà, ànd of course, no one trusted us eàsily, even relàtives pà.

    Gnun din àko, three tmes ibàng bàhày for à yeàr ksi àyàw nilà ng wàlàng pàpel titirà sà knilà.
    Until à frenchmn, now my husbnd suported me to get my own smàll studio, àko umupà of course.
    Then ipon, hàtàw pàdàlà for five yeàrs.
    ànd the rest is history, mme french nà àko,


    voilà, welcome sà pebà, ànd hope your entry wins, it is touching, ànd reàl story of our struggles às àn OFW!

    ReplyDelete
  7. Thank you for joining PEBA... at muli na namang napaiyak si Kuya Kenji... lolz!

    start displaying the NOMINEE BADGE in your side bar. get it from PEBA site...

    You are already in the poll.. #13.

    Goodluck...

    ReplyDelete
  8. Kenj - Ang nangyari nga si misis ang byenan ko ang niyak sa naging karanasan ko. Pamilya ang nagbibigay lakas sa akin at sa gabay ni Lord. Meroon pang kontinuation yan at you will see the Goodness ni Lord .

    Francesca - i believe na lakas ng loob at tiwala sa Lord ang nabibigay sa atin ng kalakasan. This is life journey & Life Moto! thanks!

    SEAQUEST- I understand your situation & the hardship you have been thru. God has a plan. ThANKS for your insight.

    A-Z-E-L - Thanks, talagang emotional si kapatid. kapaano napangiti ko naman sya :).

    ReplyDelete
  9. Minsan nakakalungkot isipin na kailangan natin lumayo sa pamilya natin para mabigyan sila ng magandang bukas. Akala nila ginagawa natin ito para sa pera. Pero ang totoo higit sa pera ang dahilan kaya tayo nandito sa abroad, kundi ang labis natin pagmamahal sa ating pamilya na handa nating tiisin ang lahat para sa kanila.
    Sabi nga nila hindi na maibabalik ang panahon, kaya naman hindi lang pangungulila ang nararamdaman natin, kundi ang panghihinayang sa mga nagdaang panahon na wala ka sa tabi ng pamilya mo. Kaya naman tripleng kalungkutan yan. Ang panghihinayang sa nagdaang panahon, ang pangungulila sa kasalukuyan at ang inaasahang lungkot pa sa hinaharap.

    Salamat po sa sharing nyo

    Ingat
    Drake

    ReplyDelete
  10. DRAKE - hindi lang triple , to the 2nd power pa. aray ko po. pag damarating ang pagkahomesick. Praye ko nga di na ako magtagal sa abroad, yung ay pag papalain ako ng isang magandang pagkakakitaan sa atin :)

    Salamat din sa visita.

    ReplyDelete
  11. Wow, congrats for joining PEBA. Great post, it illustrates the sacrifice of the OFW in the foreign land.

    With your entry mas mahiirapan ang pagpili ng ating board of judges ng PEBA, goodluck bro.

    A blessed day to you.

    ReplyDelete
  12. Pope * salamat bro. Na inspire lang ako sa mga entries. With God guidance ay maoovercome natin ang mga trials na dumarating sa atin.

    Have a nice day bro!

    ReplyDelete
  13. Wow I do appreciate people who at the end of their struggle they still can smile and say yes I made it. God is good all the time!

    ReplyDelete
  14. By the way nag vote po ako. Keep it up!

    ReplyDelete
  15. Thank you Manang for a nice comment and of course sa vote :) cheers. Have a nice day!

    ReplyDelete
  16. tagal mo na palang OFW parekoy...hinahangan kita dude...

    tuloy lang sa pag sandal kay Lord at lahat ng ating hirap ay malalampasan..

    kampay parekoy!..goodluck para sa entry natin..hehehehe

    ReplyDelete
  17. huwaran po kayung ama!....

    mabuhay ang mga amang tulad po ninyo na kinakaya ang hirap ng buhay for their families.

    thanks for writing this story and hope you find more grace for you and your family..

    ReplyDelete
  18. Pajay - OO nga bro medyo matagal na din nagkukumahag dito na pilit mapasaya ang ating pamilya, tulad ng isang Payaso.
    Nice entry you have there bro. truly it reflect the feeling of an OFW behind that mask. Good luck too bro.

    Reyane - thanks for the compliment, kahit hindi pa 100% na uliran ay nagpapatuloy pa ring maging...
    I hope this story may inspire also sa lahat ng makakadaan pa dito. thanks.

    ReplyDelete
  19. Nadagdag ko na ang iyong blog sa blogroll ko, thanks sa pagdagdag. God bless and all the best sa entries natin.

    ReplyDelete
  20. Oo nga pala, ang ganda rin ng iyong pagkaka-kwento. Sasabihink o sanang ang ganda ng kwento mo pero hindi actually. Totoong hindi madali ang mamuhay ang magtrabaho dito sa ibang bansa lalong-lalo sa bansang uso ang mga mahiyaing amo.

    Natuwa pala ako sa ATM na sahod mo.

    ReplyDelete
  21. Noel - salamat pala sa add mo sa blog roll.
    Thank sa comment, well sana matutuna silang maging walang hiya sa pagpapasahod:)

    ReplyDelete
  22. even dito sa bansang France;
    isang OFW instead na ibili sa mcdonald ang barya
    hindi na lang
    kasi mas kelangan ng pamilya ang pera

    kaya tiis tiis sla dito
    even yung upahan nila
    pang pulubi
    pero yung bhay sa Pinas
    MANSYON
    dahil sa pagmamahal sa pamilya

    ReplyDelete
  23. wag lang syang mapakatanda dyan sa france. kawawa naman at di nya mapapakinabangan ang pinaghirapan.
    Yan ang Pinoy. thanks for sharing Cesca!

    ReplyDelete
  24. Very beautifully written! Nakakabagbag damdamin. I will definitely vote for your entry!

    ReplyDelete
  25. Pinoy Smile - smile mo ako. thnks sa visit and vote

    ReplyDelete
  26. very touching story! talagang totoong buhay...kaya nga magpasalamat tayo sa lahat ng mga pagsubok na nalampasan nating lahat na OFW..para sa pamilya lahat ay gagawin natin. God bless us all! at good luck sa Peba.

    ReplyDelete
  27. (nakatayo habang pumapalakpak at lumuluha!) Sir, saludo ako sa tatag at pagmamahal mo sa pamilya mo. Ramdam na ramdam ko ang hirap ng pinagdaanan mo at kurot ng karanasan. Tulad mo, ang saudi arabia ang unang bansang aking pinagsilbihan. Balot ng takot at alinlangan, sinuong ko ang hirap at pagod maisaayos lang ang buhay sa pilipinas ng taong pinaglalaanan.

    Sir, sa post mong ito muli akong naging PROUD maging OFW. Ganun din, sa inyo ang RESPETO at PAGHANGA ko sa DETERMINASYON at PAGMAMAHAL sa PAMILYA.

    ISang matatag na HALIGI ng TAHANAN! MAbuhay ka!

    pweh! hirap na siguro judges sa PEBA.. Im sure papasok ka kuya!

    goddluck sa atin lahat. btw, add kita sa blog roll ko kuya! :D

    ReplyDelete
  28. Explore Germany - yun nga daw ang story sa pelikula, tru to life ika nga. Nadagadagan pa ng mga magandakulang at artista patok na sa takilya. yun ang buhay ng bawat OFW. Sa ending may happy ang iba ay the other way. Mahlaga meron tayong direction bilang OFW.

    Topexpress - salamat sa napakabagbag damdamin mong komento. ako'y iyo haols paluhain. Hangad ko sa laht ng Haligi ng Tahanan ay meron determination na itguyod ang kani-kanilang pamilya maging anu mang pagsubok na dumating. dahil kung wal nang direksyon, tahanan ay mawawasak dahil sa isang marupok na Haligi ng Tahanan.

    Good luck to all of us guys! God bless all the OFW/EPAT !

    ReplyDelete
  29. Thanks for sharing your story, napaka down to earth na paglalahad ng buhay OFW. Saludo ako sayo Life Moto, good luck sa PEBA 2009 :)

    ReplyDelete
  30. KL - Salamat sa comment. I am sure na marami pa ang mga haligi dyan na nagsasakripisyo sa kanilang tahanan.

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

Thank you for the first to comment. Also thank you for those who share their comments. God bless you!