June 7, 2009

Magsimula Ka

Magsimula Ka


While watching SOP, Regine Velasques sings the song Magsimula ka. It was very inspiring song by Leo Valdez three decades ago. Album: 4th Metro Manila Popular Music Festival.
song which was composed by Gines Tan and sung by Leo Valdez last 1981 is one of the finalists of the Fourth Metro Manila Popular Music.


After a cloudy experience in our life it is best to stand up and start a new life again.We have only one life to live and live it well. Unless will start all over again we will not reach our goal in life. To inspire us more here is the video by (
astigtey) and lyrics of the song.

Magsimula ka

Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
Ng may ngiti sa iyong mga mata
Sa pagkakaidli gumising na
Ang buhay ay masaya
Palalagpasin mo ba

Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay baka masanay
Sayang naman ang buhay mawawala ng saysay

(Refrain)
Iisa lang ang buhay mo
Kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo
Mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo

Magsimula ka, pilitin ang tuklasin ang hanap
Madanas man ang maraming hirap
Ang mithiin mo pag naging ganap
Langit ng pagsisikap iyo nang malalasap

(Repeat refrain 2x)

Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo

5 comments:

  1. Maganda nga ang song na ito na kinanta ni Leo Valdez so it's been 28 yrs ago na pala yun, parang kailan lang napapakinggan ko pa ito sa radyo ngayon nirevived na pala nila, tumatanda na pala ako hehehe. I was waiting Regine to come up sa video na pinost mo pero wala naman hehehe sorry di ko kilala yun mga kumanta hehehe.

    ReplyDelete
  2. Sardonyx - meron akong nakitang vid ni Regine sa youtube but di maganda ang streaming. Hntay ko pag may mag upload doon sa bago nyang vid. Sarap lang mag reminish sa mga old songs natin lalo na kung maganda ang nilalaman.

    ReplyDelete
  3. Thank you for sharing this post, I have no chance of watching SOP kasi TFC kami sa bahay, pero I love Leo Valdez, isa sya sa mga local singers that I admire most and he is one of those respectable singers natin in the music industry, and I love to sing his songs in Videoke kahit hindi ko kaya hahahaha.

    A blessed Monday to you my friend.

    ReplyDelete
  4. The Pope - welcome bro. sa first line pa lang nung lyrics ay kinikilabutan na ako sa ganda ng message. kaya yan lang ang song nya na naregister sa isip ko.

    ReplyDelete
  5. Hindi ako nanonood ng mga noontime show at variety show tol...kaya no comment muna...pero maganda naman yung kanta, lyrics pa lang sapul na!

    ReplyDelete

Thank you for the first to comment. Also thank you for those who share their comments. God bless you!