July 5, 2009

Al Khobar Murder Solved

Al Khobar Murder Solved

Last week, June 29, 2009 ay may balitang gumulantang sa Filipino community dito sa Al Khobar, Saudi Arabia. Dahil sa may napatay na isang Filipina. Ito aya naging usap-usapan sa mga schools at tambayan sa Al Khobar. Ayon sa mga kuwento ay pabakasyon ang nasabing Filipina. Nasundan daw sa kanilang tirahan matapos itong mag papalit ng pera. Ang hinala ay ibang lahi ang may kagagawan nito. Bukod sa pagnanakaw, maraming saksak ay pinagsamantalahan pa. Medyo hindi kredibol ang mga kuwento. Kaya kinabukasan ay naaantay ako ng balita sa Arab News. Habang inaabangan ko ang balitang ito sa News ay nakapagpost na sina Thoughtskoto at Ilonggo sa Disyerto .


Kaninang umaga ay may napublish na sa Arab News solved na ang kaso. Meron pong good news at bad news sa incident na ito. Ang good news po ay nahuli na ang salarin. At ang bad news po ay Filipina din ang may sala. Ang pinaka masakit po nito ay naging kaibigan nya sa loob ng 20 taon. Ayon sa Arab News ay nagkaroon ng argument ang dalawa. Hanggang sa nakakuha ng kutsilyo ang “kaibigan” at ito’y pinagsasaksak.
Para sa karagdagan balita ay basahin din sa ABS-CBN.

Napaka hirap isipin na ang kapwa Filipino pa ang kumitil buhay sa isang kaibigan. Kung sa unamang kadahilan at nagawa nya ito ipagdasal natin na sana ay hindi na po maulit ang ganitong incident. At sana manaig sa bawat isa ang kababaan loob upang malutasan ang mga hidwaan ng may kaayusan.

"Taos puso po nakikiramay ang Life Moto family sa pamilya ng nasawi."


"gentleness, and self-control. Against such things there is no law."
*Galatians 5:23*



7 comments:

  1. ganun ba? ang lungkot naman ng pangyayari na yan, sinundan ko ang link sa arab news at nakakalungkot nga ang pangyayaring ito. Salamat sa follow up na post.

    ReplyDelete
  2. Two reasons why it happened;
    money or lalaki, hahaha

    crime of passion nga naman

    ReplyDelete
  3. so hindi totoo ang balitang she was raped? only stabbed to death?

    kawawa naman... "Eternal rest grant unto her o, Lord... and let perpetual light shine upon her...May her soul rest in peace."

    now, what will happen to the slayer? God Bless her.

    ReplyDelete
  4. Mr. Thoughtskoto- your welcome bro. kahit papaano ay nalinawagan tayo. oo nga bro nakakalungkot nung malaman ko ang balita.

    Francesca - for what ever arethe reasons. let us pray na sana di na maulit ang ganitong incidents.

    A-Z-E-L - Kung babatayan natin ang News report ay wala naman. I wish na magkaroon ng follow up reports pa dito sa Arab news.

    ReplyDelete
  5. Hindi ako makarelate tol..hindi kasi hot item yan dito sa pinas... pero hanaga ako sa pag-post mo ng pakikidalamhati sa kanya at sa pamilya nya!

    ReplyDelete
  6. Nakakalungkot naman at kapwa kaibigan at kababayan pa ang salarin, subalit wala tayong magagawa kundi ipagdasal ang kaluluwa na namayapa nating kababayan at nawa'y magkaruon ng patas at mabilis na hustisya para sa mga naulilang pamilya.

    ReplyDelete
  7. Mokong™ - di rin gaano ka hot itong news dito, yun lang malapit sa amin yung place. at tsaka related sa OFW issue. At para ma share din sa inyo nasa Pinas ang buhay ng OFW. HIndi lahat good news.

    Pope - medyo na disappointed nung nabsa ko yung balita. well let us hope na maging patas nga ang hustisya.

    ReplyDelete

Thank you for the first to comment. Also thank you for those who share their comments. God bless you!