Kaugalian ng Pilipino sa Undas
All Saints’ Day na tinatawag na Todos los Santos or Undas ay kapistahan na ipinagdiriwang sa ika-1 ng Nobyembre. O sa unang Linggo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng santo, banal, kilala o hindi.
Maraming mga kaugalihan tayo sa araw ng ito. Subalit nababago na rin sa pagbabago ng panahon, ekonomia, kultura at paniniwala.
Disperas pa lang ng Todos los Santos ay binubulaho na natin ang katahimkan ng tahanan ng mga patay. Naghahanda na ang mga nabubuhay para maglinis at ayusin ang mga puntod ng kanilang mahal sa yumaon. Pinipintahan ang mga nitso at pati na ang mga naka-ukit sa mga lapida. Meron nagtatayo na ng mga tent. Ang ibang may moseleyum naman ay akala mo dala na ang kanilang bahay. Kumpleto sa tv,radio at pati na ang promatic na karaoke. May nagdadala ng baraha at madyong pampalipas oras. Hindi mawawala ang mga psp at iba pang electronics gadget. Nakahanda na rin ang mga pagkain para sa buong panahon ng Undas. Andyan na mga kabataan na nag-aawitan sa tugtug ng guitara sabay hampas na drum na lata. Syempre ang magagandang bouquet ng bulaklak at naglalakihang kandila na na handog ng pamilya. Sa ibabaw ng nitso ay andoon ang larawan ng mahal sa buhay na yumao.
Ang mga Intsik ay naging bahagi na rin ng ating kultura kaya sila rin nakikisama sa kapistahang ito. Bukod sa letrano ng yumaon nilang mahal sa buhay ay nag aalay din sila ng mga pagkain, palamuting perang papel at insenso.
Ang Undas ay isa sa malaking kapistahan, bukod sa Pasko at Semana Santa. Ito ang araw na nagkasama-sama ang mga pamilya na buhay at namatay na. Ika nga grand reunion. Kasi mula sa lolo’t lola sa tuhod hanggang sa mga apo sa tuhod ay nagkikitakita. Yun nga lang sina lolo't lola ay nasa isang picture frame na lang. Ang iba ay umuuwi pa sa kani kanilang probinsya sa araw na ito.
Sa modernong panahon ay unting-unti na rin nawawala ang ganitong kaugalihan. Dahil sa kahirapan ay hindi na rin makuha ng iba na umuwi pa sa kanilang probinsya. Minabuti na ipagdasal ang kanilang mahal sa buhay sa kanilang tahanan. Meron nag-aalay ng dasal sa simbahan. Sa ilan ay wala lang.
Ang iba naman ay sa kanilang bagong paniniwala or relihyon kaya hindi na nila dinadalaw ang kanilang patay.
Dahil sa impluwensya ng kanluran may mga kumunidad na nag daraos ng trick or treating. Na kung saan ay ginagayakan nila ang kanilang tahanan ng halloween theme. Naka halloween kostum naman ang mga bata at pati na rin ibang matatanda. Kasabay nito ay ang isang horrible Halloween party sa saliw ng tugtog na "Thriller" ni Michael Jackson.
Paano na lang yung mga na cremate? Di mo na talaga madadalaw yun kung ang mga abo ay sinaboy na sa dagat.
Na ala-ala ko tuloy si ama. Noong nabubuhay pa sya ay bilin nya ay kung siya ay namatay gusto nyang icremate at isaboy ang abo sa dagat. After his cremation. Ay dinala na ni bunsong kapatid ko sa Australia ang kanyang abo. Few months ago ay sinaboy na nila, mga kapatid at mama ko, ang abo ni ama. Sobrang lungkot ko sa mga panahon na nang makita ko ang kanilang letrato na nagsasaboy ng abo ng aming ama. Wala kaming puntod na bibisitahin, bulaklak na pag-aalayan at kandila na pagtitirikan. Ganoon pa man ay naririto lang sya sa puso ko.
Habang nabubuhay tayo ay gamitin natin na tama at mahusay ang buhay na bigay ng may kapal. Ang kaligtasan ng tao ay hindi makikita sa magarbong funeral, magandang libingan, mamahaling kabaon at mamahaling sementeryo. Ang tinitignan ni Lord ay ang puso ng bawat tao. Tanging Diyos lamang ang nakaka-alam. Nagmula sa lupa at sa lupa din tayo babalik.
Malapit na naman pala ang undas, ilang araw na lang.
ReplyDeleteTama lahat ang iyong isinalaysay sa iyong kwento patungkol sa pag gunita ng Undas.
Ngunit tulad ng sabi mo,na tulad sa iyong ama, papaano kayo mag alay at mag gunita kung cremated at isinaboy sa dagat ang abo?.. para sa akin, mag alay na lamang ng dasal.
Ang Undas ay ginugunita rin kapag may eleksiyon.. alam ko magtaka ka kung bakit.
Sapagkat maraming mga patay na bumangon para bumoto sa mga hinayupak at corrupt na mga pulitiko... siguro alam mo na ang ibig kong sabihin.
hahahaha! oo nga! pati patay bumuboto, pero maiba ako balik sa feature mu ... maliban sa pamana ito ng mga espanyol, economia talaga ang isang dahilan kung bakit masyadong highlighted and event na ito! Commercialism is the right term I guess. anyway, di bale uy, I also wish I will be cremated when I die.
ReplyDeleteSalamat sa pagbibigay halaga sa kulturang Pilipino na nagbibigkis sa ating mga OFW sa ating Inang Sinilangan.
ReplyDeleteKorak! Tama ka sa paglalahad ng story about undas lalo na ang cremation..Minsan di natin masisi yun mga gusto magpa cremate pag namatay, dala kasi din ng kahirapan sa buhay. :(
ReplyDeleteTama, sa panahon ngayun pati cremation mahal na rin. Libingan, kabaong pati burolan mahal na rin. Kung pwedi lang sana kung alam mo na na malapit ka na ma dedbol ay diretso na agad sa dagat. hehehe
ReplyDeleteAl kapon - oo nga bro ang tanging dalangin at letrato na lang ni ama na nasa pitaka ko ay sapat na.
ReplyDeleteKawawa naman ang patay, ginagamit pa hanggang sa kanilang pananahimik. kaya lang ngayon di na uubra dahil sa may finger printing na. Laglag tayo doon pag meron pag mag dala ng daliri ng patay.
Vernz - OOnga, tulad ng Chrsitmas, nawawala na rin ang diwa ng kapistahan ito. Nakatuon lang ang iba sa party at kasiyahan sa araw na ito.
Pope - Kahit na malayo tayo sa ating mga yumaon na mahal sa buhay, tulad nga sabi ni Al K ay dasal ang maiaalay natin sa kanila.
Kablogie - sabi nga kailangan un dahil practical. Pero ngayon lang ito naging practice sa atin. Sa ibang bansa ay matagal na nila ginagawa ito. Meron din mamahaling cemetary para sa mga na kremet.
Pmonchet - waahhh! Suicide na po yan. Eh di mag avail na lang ng funeral cremation service. meron namn kabaon na renta.
Salamat po sa mga insights.