Ito ay isang liham ng aming kaibigan, si Cheryl, para sa kanilang entry sa Ruffa and Ai Show. Sa kabutihang palad isa rin ito sa mga nanalong entry sa nasabing programa. I beleive na it was written from the heart and by the heart. Alamin natin ang isang magandang love story nina James at Cheryl. Anu kaya ang mga reason na yun? Ito ang kanilang LIFE Story...
“Everything Happens For A Reason”
Our love story goes like this..
He’s name is James Albert 25 years old and I am 22 we came from the same province of Davao Del Sur. It was Aug.25,2006 when my friend Dessa asked me if I want a textmate, then I said Yes for fun. On that day, she gave me the cellphone # of James. It happened na kinabukasan Aug.26,2006 birthday pala ni James. Doon nagstart naging magtextmate kami, madalas na tawagan at pagtetext na umabot lng ng 1 buwan.Hanggang umuwi ako ng Davao Sept.2006 at dun kmi nagkita.
First met namin, honestly di ko siya nagustuhan dahil sa sobrang gentleman at pagiging tahimik niya nakakailang na siya“ Hanggang sa pinupuntahan niya ko sa bahay namin at nililigawan personally at nagustuhan po siya ng pamilya ko. Sa katunayan po, sa lahat ng mga nanliligaw at naging boyfriend ko siya lang yong welcome at minahal din ng pamilya ko. Hanggang dumating ang time na kelangan kong lumayo sa kanya para makipagsapalaran sa ibang bansa. Nagdesisyon ako year Feb.2007 na babalik dito sa Manila at mag aapply papuntang Japan para pamilya ko.
Subalit, tinutulan ni James ang desisyon kong yon. Ayaw niyang umalis ako kaya sinundan niya ko dito sa Manila. Nagsikap siyang mag apply ng trabaho dito sa Manila at dahil college graduate naman siya nakapagtrabaho siya agad bilang isang call center agent, samantalang ako nasa poder ng talent manager ko sa Marikina at siya ay nasa kamag-anak niya sa Caloocan nakatira. Paminsan lang kami kung magkita dahil nga sa busy sa trabaho hanggang sa nagdesisyon akong mag-aral ng caregiver dahil nga high school graduate lng ako. Bilang panganay na anak, pinauna kong mag aral ang kapatid kong lalake kaya ako’y napag-iwanan. Nong una, laro lang para sakin ang relasyon namin ni James dahil bukod sa kanya may 2 boyfriend pa ko sa province na di ko hiniwalayan.. Eka nga “COLLECT and COLLECT UNTIL YOU SELECT” yon ang naging paniniwala ko non. Hanggang sa nakilala ko ng lubusan si James at nainlove ako sa kanya at nasabi ko sarili ko na “finally nakahanap na ko ng lalaking matino na magpapatino sakin at mamahalin ko ng tunay”. At masasabi ko talagang siya ang gusto kong lalaking makasama habang buhay. Dahil lahat ng kulang sa mga naging boyfriend ko non sa kanya ko nakita lahat, though no one is perfect pero totoong totoo siya. Lahat ng good aspects ng guy na hinahanap hanap ko noon, sa kanya ko nakita lahat outside and inside na kaanyuan. He is a good looking man but not arrogant and hindi rin “Chickboy” mabait siya, family oriented, smart, humble, at “unconditional love” ang ipinadama niya sa akin. Sa lahat ng “up’s and down’s ko sa buhay lagi siyang nandiyan at nagsisilbing “Mentor” ko. Tinanggap niya ng buong-buo ang pagkatao ko kung ano ang nakaraan ko at kung sino ako as a whole.. Kaya giniv up ko lahat ng mga bagay na alam kong makakasakit sa kanya. Siya ang pinili ko sa lahat, nagbago at nagpakatino ako para sa kanya, dahil I realized na sobrang mahal ko siya at ayokong mawala siya sakin. Minulat niya ko sa katotohanan na kelangan ko ng magbago at magpakatotoo sa sarili.
Hanggang nagdecide kami na magsama sa iisang bahay last Oct.2007 pagkatapos kong mag-aral ng caregiver. Dito sa Marikina niyang pinili mangupahan kami para malapit lng din sa bahay ng manager ko na tinuturing ko naring pangalawang ina. Ngayon, mag dadalawang taon na kaming magkasama at wla pang anak pero masasabi kong sa pagsasama namin naging masaya kami kahit maraming pagsubok na dumaan sa buhay namin, ni minsan hindi ko naisipang sumuko dahil sa kanya. Both our parents ay nasa DAVAO at dalawa lng kami dito sa Manila. Kaya mahirap kung mawalan ng trabaho lalo pa’t walang mahihingian ng tulong dito. But then, sobrang blessed kami dahil nagkaroon siya ng work na stable at ako din I tried to work as a Sales Clerk for half a year then pinatigil niya ko dahil ayaw niyang mahirapan ako dahil malayo ang work ko before.. Sa ngayon, nasa bahay lng ako at masasabi kong I’m so blessed to have James in my life. He is my man, my friend, my mentor and my life! Ni minsan di kami naghiwalay at wlang third party na dahilan sa pag-aaway namin it just a simple argue, minsan tampuhan at minsan money matter pero nasosolve naman agad dahil si James ay super cool,patience kaya everytime we have a problems din, pero di ako nawawalan ng pag-asa na malutas ang mga yon dahil pinapakita niya sakin na lahat ng problema ay may solusyon at lage niyang sinasabi na “Everything happens for a reason” kaya dapat di mawalan ng pag-asa. Kaya this year gustong gusto na naming magpakasal para magkaroon ng basbas ang pagsasama namin. We are planning to have civil marriage this year..God’s Willing…Kasi, the real reason is we don’t have enough money para magpakasal sa church. Ayaw din naman niyang humingi ng tulong sa Papa niya dahil as we all know krisis talaga ngayon.
Ngayon, masasabi ko po na si James na ang gusto kong makasama habang buhay dahil he is “one of a kind”. For giving me a unconditional love and he accepted me for who I am and loving me so dearly.
Promise of love to each other is to love each other forever and ever.. and though so many trials and struggles that will come in our lives we will face it with God’s faith. Nothing is impossible if God is with us and if we accepted Him with all our hearts.
Now we are both happy coz’ at last we got married! last June 18, 2009 @Oasis Garden sponsored by Ruffa and Ai.
The wedding Proposal and The Grand Wedding day was aired on a National Television last June 26,2009 Episode.
James and Cheryl “Jaryll” Our theme song: Always: by Atlantic Starr
“The Wedding Vow”
To have and to hold from this day forward
For better or for worst
For richer or for poorer
In sickness and in health
To love and to cherish
Until death do us part……..Lubos akong nagpapasalamat kina James at Che na ma ishare nila ang kanilang love story. Batid ko na ito ang simula ng kanilang bagong yugto sa buhay bilang mag-asawa. Kaya dalangin ko na sila'y gabayan ng ating Poong maykapal. At naway patuloy sila magpasakop sa Panginoon.
Congratulations to James and Cheryl. May kasabihan nga: harangan man ng sibat...
ReplyDeleteI honestly believe that all things have a certain order; that we are meant to find someone who'll complete us; that all of us are meant to be happy.
One proof is James' and Cheryl's love story.
Talaga! ang tagal ko na palang di nakapanood ng rufa and ai! Anyway! good luck to the two of you! Have a great life ahead ...
ReplyDeleteNebz- basta ako magdadala ng panangga sa sibat :) correct ka dyan bro na everythings have an order. basta mag wait lang tayo be patience.
ReplyDeleteVernz- so as my wish for them. have a nice day!
naks naman ganda ng love story ni james at cheryl...
ReplyDeletethere will always be hand size that will fit in yours... so wait patiently while God is preparing for you the right time and right person because when that time comes...you know that its him or her. trust me.