June 1, 2010

By Appointment Na Ang Pag-apply & Renewal ng Philippines Passport


By Appointment Na Ang Pag-apply & Renewal ng Philippines Passport


Last May nang nagtungo ako ng POEA para kumuha ng OEC.  Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para magparenew ng aking passport at mag apply ng bagong passport ang aking anak.  Nabigla ako sa sinabi ng security na by appointment na po ang pag kuha ng bago at pagrenew ng pass port. Sinabi ko sa sarili ko ng nag lagay pa sila ng extension DFA kung hindi ka rin magkakakuha.  Kaya sa aking pagkadismaya ay nilisan nalang namin ang POEA na hindi na tinignan ang iba pang mga detalye.

Kahapon ko lang nalaman na may bagong procedures na pala talaga ang pagkuha ng bago at pagrenew ng ating pass port.  Kaya hiningi ko ng permission ni Kuya Max para mailadhala ang kanyang artikulo. Para sa ganun ay lalo makaabot pa sa ating mga kababayan ang impormasyon na ito. Kaya maraming salamat po kuya Max.

************
Saturday, May 29, 2010
Passport Application and Renewal, by Appointment Na 
Max Bringula (Abante ME Edition, 29 May 2010) 

Para sa kaalaman ng lahat, may bagong patakaran ngayon na pinatutupad ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas sa mga kumukuha ng bagong passport at nagre-renew, ito ang Passport Appointment System. 

Kung dati rati ay kailangang tumungo ng mga applicants, alas-kuwatro pa lang ng umaga sa dati nitong opisina sa Pasay City (malapit sa Cuneta Astrodome) upang mauna sa pila, ngayon ay hindi na. Yun lamang may appointment schedule (date and time) at appointment reference number ang makakapag-transact para kumuha ng bagong passport o mag-renew sa bagong opisina ng DFA Office of Consular Affairs (OCA) sa ASEANA Business Park, Bradco Avenue corner Macapagal Boulevard, Paranaque City (malapit sa SM Mall of Asia). 

Ang bagong patakarang ito ay inilunsad ng DFA-OCA upang maiayos at mapadali ang pag-apply ng bagong passport at pag-renew. Hindi na kailangan pang pumila ng mahaba ang isang aplikante tulad ng dati. At upang matiyak na ito ây maisasagawa, mahigpit na ipinapatupad ngayon ng DFA-OCA ang no appointment, no processing policy

Narito ang ilang mga dapat malaman sa Passport Appointment System. 

1) May dalawang pamamaraan ng pagkuha ng appointment: 

a) DFA Appointment Website  mag-log in sa www.passport. com.ph
b) DVA Appointment Hotline tumawag sa (02) 737-1000.

2) Tandaan ang inyong Reference Number na siya kakailanganin kapag nagtungo na sa DFA para sa inyong appointment schedule. 

3) Kailangang nasa DFA Consular Office ng 30 minutes before the appointment schedule. Early and late comers would not be entertained. Dapat eksaktong 30 minutes before the time ng iyong schedule ay naroroon ka na. 

4) Kailangan ang Physical appearance ng aplikante. Hindi pwede ang chaperone o kaya may proxy sa mga aplikanteng 18 years old and above. 

5) Bumalik sa araw ng Release Date ng inyong bagong passport. Samantala, maaari ring ipa-deliver na lamang sa inyong address ang passport at hindi na kailangan pang bumalik sa DFA. Tumungo lamang sa Delivery Counter para magbayad ng delivery fee kung nais na ipa-deliver ang passport. 

Kung may karagdagang katanungan o nangangailangan ng paglilinaw, maaaring tawagan ng OFW at pamilya nito ang DFA sa mga sumusunod na numero: 831-8971; 551-4437; 551-4402; 834-4424; 836-7760; 836-7748, 836-7750 at 834-4835

e-Passport, Available Na Samantala, maaari ng mag-avail ang sinuman ng e-Passport (o Philippine Electronic Passport). Ito ang siyang ipinamamahagi na sa mga bagong nag-a-apply ng passport at sa mga nagre-renew sa Pilipinas. Mas highly-secured ang e-Passport kumpara sa MRP o sa dating green passport. Ang e-Passport ay hindi pwedeng ma-tamper kung kaya ât nakapagbibigay ito ng mas mainam na border protection at security sa mga mayroon nito. 

Sa e-Passport, di na kailangan pang magdala ng passport photos dahil may mahine na gagamitin na siyang magka-capture ng image at personal data. 

Ang Fees na babayaran para sa e-Passport ay ang sumusunod :

Regular Processing (20 days) PHP 950.00 
Express Processing (10 days) PHP 1,200.00 
Lost Passpport (additional fee) PHP 200.00

Magsisimula na ring mag-issue ang Philippine Embassy ng e-Passport. Sa Riyadh, hinihintay na lamang ang makina na gagamitin. Ang e-Passport ang siyang ipapalit sa dating MRP (machine-readable passport).






Share/Bookmark

14 comments:

  1. Mas mainam ito. Organisado. Pero ganun pa rin, para sa akin, malaking abala pag pumupunta pa ng DFA at POEA sa Pinas. Kaya dito ko na lang pinapa-renew sa Saudi embassy ang sa akin at sa aking pamilya. Yung OEC naman pwede mong kunin sa POLO bldg doon din sa loob ng DQ (Diplomatic Quarters).

    ReplyDelete
  2. Kakatingin ko rin nga nyan last week kuya, kasi magpaparenew din ako ng passport ko. Medyo matagal nga lang ang releasing almost two weeks pa!Hays

    Kung dito ako sa Saudi magpaparenew 1 month naman!

    Pero maraming salamat sa impormasyon na ito kuya.

    Ingat po

    ReplyDelete
  3. Blogusvox - oo bro mas mainamn ang bagong sistema. Dito sa Khobar mahal ang OEC. Not like sa Riyadh.

    Drake - nung sa bakasyon ako ay ipaparenew ko sana but by appointment kaya dito na ako sa khobar magpaparenew.

    ReplyDelete
  4. Sa pamamagitan ng isang epektibo at maayos na pamamaraan tulad nito upang mabawasan ang 'red tapes' na nagiging mahabang pagpila na isang sanhi ng irregularidad na transaksyon at korapsyon sa loob ng mga ahensya ng Gobyerno ang dapat ipatupad ng susunod na Administrasyon.

    ReplyDelete
  5. Yan ang nakaantala ng pagbalik ng hubby ko dito sa UAE.Once kumuha ka ng appointment (online) halos 1 month din. Ang tagal! My hubby told me nung nagrenew sya, halos inabot sya ng 5 hours sa loob bago natapos lahat.

    ReplyDelete
  6. Thanks for the info, Jess.

    My old passport is due in 2012 kaya medyo matagal pa bago ko problemahin ito. And hopefully by that time, medyo sorted out na ang procedure.

    Time permitting, EB tayo minsan.

    ReplyDelete
  7. Pope - maganda nga itong ginawa nila. but i don't know how well inform ang ating mga kababayan. sana may ads sila sa tv

    Misalyn- para ka rin pala kumuha ng nakapila ng mahaba.

    Nebz- I am sure na magagamay na nila ang sistema pagkukuha kana. Basta may masipag na administrator na magbabantay sa kanila hehehe.

    ok lang text ka lang.

    ReplyDelete
  8. Uy, salamat dito sa info. Maganda siguro i-repost ko rin itong info sa aking blog para mas kumalat ang awareness. Ok lang ba bro, hiramin ko yung mga important details ha?

    Thanks and God bless.

    ReplyDelete
  9. Noel - ok lang basta ang credit ay para kay kuya max link mo na rin sa blog nya.

    ReplyDelete
  10. I had experience having an expired Philippine passport using only my green card during my emergency departure to the Philippines. All you have to do is to re apply for a passport in the Philippines under the foreign affair dept....

    ReplyDelete
  11. Sige, inaayos ko pa yung page. Thanks.

    ReplyDelete
  12. nice blog creation with amazing post.

    ReplyDelete
  13. Thanks for the info, Jess. My old passport is due in 2012 so a little longer before I ok it. really nice blog, i would like to comment here.

    ReplyDelete

Thank you for the first to comment. Also thank you for those who share their comments. God bless you!