Salamat Po Nanay Sa Pagmamahal Na Inialay Mo
Mga kaibigan last May 16, 2010 ay dumulog ako sa inyo ng Prayers Request for Nanay dahil sa malubha nyang karamdaman. Ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ko man na elaborate ang kanyang mga naging sakit. Sa kahilingan ng aking may bahay. Taos puso ako nagpapasalamat sa mga nagtugon ng pakikiisa sa panalangin. Kahapon, August 28, ay pumanaw na po ang aking mahal na Nanay. Siya ang aking butihing mother in law.
Hindi po batid ng lahat na meron syang liver and lungs cancer at ito ay nasa stage 4 na po. Huli kami nagkita ni Nanay ay nung nagbakasyon ako nitong summer. Sa aking pagbalik sa bansang Saudi ay nagsimula na dumaing na masakit ang kanyang tyan. Kinapa ng aking sweetheart ang kanyang tiyan doon ay matigas na bukol na wari mo kaparte ng ribs. Kaya kaagad nila pinasuri sa kanilang doctor. Sa pagsusuri ay may pagkaduda na sya sa kalagayan ni nanay. Nag advised si doctor Puray na ipasailalim sa sa CT Scan. Paglabas ng resulta ay kaagad naman ibinalik sa doctor. Doon na nga po nakita ang bukol na namuo sa kanyang liver. Upang magkaroon pa ng masusing pagsusuri ay inirekomenda sila sa isang Oncologist specialist na doctor for liver. Muli po siya pina CT Scan. After na mabasa ng doctor and resulta ng CT Scan ay balak sana ipa Chemoembolization (trans-arterial chemoembolization or TACE) si nanay. Subalit nang basahin uli yung CT Scan result ay meroon nadaanan na bukol sa lower part of the lungs. Kaya nag advised uli siya para ma ct scan ang lungs. Sad to say na malaki na rin ang mga bukol sa kanyang lower left and right lungs. At this point ang nasabi ng doctor ay sa edad ni Nanay ay baka hindi nya makaya ang dalawang operations. "Malalampasan man nya ang liver chemoembolization pero di makakayanan ang para sa lungs. Depende na lang sa inyo kung aggressive kayo gumastos. But walang assurance na ma-extend ng mahabang panahon si nanay, mapalad na po kung aabot si nanay ng 6 months. " paliwanag ng doctor.
Sa mgapanahon na iyon ay andoon ang lungkot at takot na mawala ng maaga si nanay. At halos araw-araw ay umiiyak ang aking maybahay. Wala an ako magawa kundi maicomfort sya sa phone at internet.
Sadyang napakabait ni nanay. Kahit na masakit na masakit ang kanyang tyan ay pinipilit parin na maging normal. Isa na rin sa dahilan na ayaw nya magalala at magastusan ns malaki ang kanyang mga anak. Ganun pa man ay patuloy pa rin namin binibigay ang mga gamot na kailangan upang maibsa lang ang sakit ng kanyang nararamdaman. Last 3 weeks ago ay na confined sa hospital na halos 1 linggo. Subalit itong mga huling araw ay di na sya nakakatulog at naglalambing sa kanyang mga anak. Minsan ay nagpapayakap siya kay misis ay umiiyak. Dahil may takot sya na maiwan sila. Gusto pa nyang tumagal ang kanyang buhay para makasama nya pa ang kanyang mga anak at higit sa lahat mga apo.
Ganaun pa man ang sabi ko nga kay misis. Napakabuti ng Diyos. Binigyan Nya tayo ng pagkakataon na pagsilbihan si nanay at maibigay ang lubos na pagmamahal sa kanya. Ang amin panalangin ay huwag na sana mahirapan pa ng matagal si nanay. Tinugon ng Panginoon ang aming mga panalangin sa Kanya. Naniniwala po ako na ngayon ay lubos na ang kahingawaan ang nararamdaman ni nanay. At masaya na sya sa piling ng ating Poon Maykapal...
Marami po salamat nanay sa pagmamahal na ipinadama mo sa amin. Sa pagaaruga na binibigay mo sa aming mga anak. Sa malasakit at pagaalala mo sa bawat isa sa amin.
Mahal na Mahal Ka na Namin Nanay.
Nahum 1:7
The LORD is good, a refuge in times of trouble. He cares for those who trust in him,
Matthew 5:4
Blessed are those who mourn, for they will be comforted.
The LORD is good, a refuge in times of trouble. He cares for those who trust in him,
Matthew 5:4
Blessed are those who mourn, for they will be comforted.
Our deepest condolences par... - Engr. Moks & Calalang Family
ReplyDeleteMula sa aking pamilya, isang panalangin ang aming ibabahagi para kay Nanay na iyong mother-in-lawm para sa kanyang mapayaang paglalakbay patungo sa pinangakong Paraiso kung saan naghihintay sa kanya ang ating Panginoong Hesukristo.
ReplyDeleteSherwin salamat bro sa inyong pakikiramay.
ReplyDeleteGoerge thank you for the comforting words and prayers .
Hi,
ReplyDeletenatutuwa ako at natanggap nyo ng malubos ang pagpanaw ni nanay (nyo) ganyan din yung narinig ko sa tatay ko noon nung pumanaw ang lola ko, na okey na sa kanila hanggat hindi na nagdusa pa ng mahabang panahon ang lola ko.
My condolences sa pamilya mo at sa mga naiwan ni nanay (nyo).
Sabi isa lang daw ang dapat na maging emosyon ng mga naiwan, maging masaya daw kasi tyak na nasa magandang mga kamay na sya kasama ng ating Pangingoon.
my condolences po..
ReplyDeleteANalyn@ there a time sorrow and there are times for joy. truly separation is the hardest thing to happen, specially to the the one you love. sorrow physically di namin sya makakasama. but joy because we believe she is with our Lord. and di sya nag suffer ng mahabang panahon. We praise and thank the Lord na bibigyan nya ng konting panahon para magpagsibihan si nanay at masabi na mahal na mahal namin sya. thankyou ana sa iyong pakikiramay and sharing.
ReplyDeleteMisalyn thank you sa pakikiramay.
ReplyDeletei love this bog.. awesome!
ReplyDeleteRead your post while thinking of my 77 year old Tatay. He's not sick in fact strong as a horse.
ReplyDeleteBut then it dawned on me that I haven't said I love you to him for a long time now. Will do that first thing tomorrow.
I somehow envy you and your wife coz you were able to take care of your Nanay. My dad doesn't live w/ us.
I'm sure that she's happy now in the arms of the Lord and thankful that she was able to be with her family during her last days..
Though we don't know each other, my condolences. I know how it feels to lose a mother..
Thank you for posting this, because I remembered that I need to be with my Tatay..
Tim@ thank you for dropping by.
ReplyDelete@EihdraG thank you for the comforting message. sad to say that wala ako sa tabi ng aking mother in law right now. kasi I am in Saudi. What Hurt me most is I can't comfort my wife physically. Yes we may not know each other but the sympathy and prayers of your will bind our friendship.