Paalala sa OFW - Magingat sa Pagtulong
Ang pagtulong sa kapwa ay meroon gating palang matatanggap. Kung hindi man sa lupa ay sa langit. Hindi lahat ng pagtulong ay nakakabuti. Kaya paalala sa mga nais tumulong lalo na sa mga nagpapasaklolo na madala sila sa ating embahada, sa Gitnang Silanagan. Ating basahin ang Press release na mula sa ating Embassy sa Riyadh.
******************
Press Release No. APV- 42- 2010
Embassy of the Republic of the Philippines
01 September 2010
BABALA TUNGKOL SA PAGTULONG SA MGA PILIPINONG DIUMANO’Y NANGANGAILANGAN NG TULONG
Nais pong iparating ng Pasuguan ng Republika ng Pilipinas sa lahat ng Pilipino dito sa Kaharian na ibayong pag-iingat po ang kailangang gamitin upang hindi mapinsala ng ilan sa ating mga kababayan na di umano’y humihingi ng tulong ngunit sila pala ay may ibang motibo. Kamakailan lamang ay ipinagbigay-alam sa Pasuguan na may di kanais-nais na nangyari sa Riyadh may dalawang linggo na ang nakakaraan. Ayon sa salaysay ng isang kababayan natin na nabiktima, may Pilipinang tumawag sa kanya na humihingi ng tulong na sya ay ma-”rescue” upang sya ay madala sa Pasuguan o sa Philippine Overseas Labor Office. Bagama’t labag sa batas ng Kaharian ang pagkuha at pagkupkop sa mga tumakas sa kanilang mga sponsors, ni-“rescue” pa rin itong ating kababayan na nangangailangan umano ng tulong. Pagkatapos matagpuan ang Pilipinang humingi ng tulong, sya ay kaagad dinala sa bahay nung tumulong; lingid sa kaalaman ng mga tumulong, ang taong humingi ng saklolo ay may mga kasama palang mga awtoridad. Pagdating sa bahay, ang mga awtoridad ay kaagad pumasok at isa-isang kinilatis ang mga papeles ng mga nakatira sa loob kung may mga taong takas sa amo o mga magkasamang babae at lalake na hindi mag-asawa o magkamag-anak. Ang kababayan naman na di umano’y humihingi ng tulong ay sumakay sa sasakyan ng mga awtoridad. Sa kabutihang palad ay walang kinulong sa mga kababayan nating tumulong sa kadahilanang wala naming nakitang kakulangan sa kanilang mga papeles. Sa mga ganitong pagkakataon, muling pinaaalalahanan ang ating mga kababayan na dapat tawagan ang Pasuguan para hindi magkaproblema sa Kaharian.
Ang Pasuguan po ay matatawagan sa mga teleponong ito:
(01) 482 3559
(01) 482 3615
(01) 480 1918
(01) 482 1577
(01) 482 4354
(01) 482 0507
(01) 482 1802
Sa inyong pakikipag-ugnayan sa Pasuguan kayo po ay aming matutulungan. Maraming salamat po.END
source Philippines Embassy Riyadh
Related story received from my inbox last week. Akala ay di totoo kaya nag-antay muna ako ng balita tungkol sa pagyayri na ito.
Kababayan,
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang aming naging karanasan nung Huwebes 19 ng
Agosto 2010. May isang babaeng tumawag sa akin na umiiyak at humihingi ng
tulong na kung maari daw ay tulungan siya at puntahan sa lugar kung saan
sya naroroon upang dalhin sa POLO ng Philippine Embassy. Tinanong ko ay
kung papaano nya nakuha ang aking numero upang ako ang kanyang matawagan.
Ang sabi nya ay may nagbigay lang na kaibigan ng numero ko sa kanya. Sa
pagkakataong ito dahil na rin sa awa at umiral ang pagiging makakabayan
natin ito ay aking binahagi sa aking asawa at mga kasambahay.
Ngunit nagdalawang isip ako sapagkat marami ng kaso dito sa Saudi na ikaw na ang
tumulong ay ikaw pa ang mapagbibintangan na gumawa ng di mabuti kayat ikaw
pa ang makukulong sa bandang huli. Ang sabi ko sa misis ko ay di ko
pupuntahan ang babaeng tumawag bagkus ako ay tumuloy sa aking lakad upang
makipaglaro ng tennis sa aking mga kaibigan.
Ngunit napagpasyahan ng aking misis kasama ang iba pa naming kasambahay ay kanilang pinuntahan upang tulungan ang babaeng tumawag siguro ay dala na din ng kanilang awa kaya kanilang tinungo kung saan naroon ang babae at ng matagpuan ay isinama sa bahay o flat na aming tinutuluyan.
Lingid sa aking asawa at mga kasama sa flat na ang pagtulong pala nila sa babae ay may dulot na kapahamakan at isa pala itong frame up sapagkat ng nasa bahay na ang babae ay may nakasunodpalang mga mutawa na agad agad na bumaba at pinasok ang bawat silid ng flat upang inspeksyunin at maghanap ng mga kababayang mga walang sapat na documento o mga couples na illegal. Ang babaeng tinulungan ay agad agad at mabilis na sumakay ng sasakyang gamit ng mga mutawa. Sa awa ng Dios wala
naman nakitang di ayon sa batas nila ang mga Mutawang naginspeksyon.
Ang di lang magandang nangyari ay nagkaroon ng pobia ang aking dalwang anak na
maliliit pa at an gaming kasambahay na babae nakaranas ng pangaabuso ng
mutawa sa paghampas sa kanya ng yantok ganun din ang haris o guardya na
nagbabantay sa flat na aming inuupahan.
Sadyang laganap na talaga ang masasamang tao dito sa Saudi kahit ito pa ay
iyong kababayan (babae man o lalaki) na dapat ay pumoprotekta sa iyo at
tumutulong sa oras ng kapahamakan ngunit kayang ipagpalit ang pagiging
Filipino sa kaunting natanggap na halaga lamang at ito ay sa paraan ng
pagiging isang modernong makapili dito sa Saudi Arabia .
Nawa’y ang kaunting nabahagi ko sa inyo mga kakabayan ay magsilbing babala
para sa ating kaligtasan. Maging alerto o maingat sa pagtulong. Kung may
tatawag na kabayan ay huwag agad agad na ikaw mismo ang tutulong bagkus ay
makipagugnayan ka muna sa embahada ng Pilipinas upang sila mismo ang
tumugon sa mga nangangailangan nating kababayan.
BR
Jay
Nakakalungkot naman n kababayan pa natin ang nambiktima sa kapawa kababayan. tsk tsk tsk...ingta n lng po tayo jan sir...
ReplyDeleteGod bless!
yeah dapat mag.ingat. . .wala nang libre ngayon!
ReplyDelete