Riyadh Vacationista Nov 2010 - Tonio & Family

Riyadh Vacationista Nov 2010 - Tonio & Family


Dumating ang kaibigan ko si Pareng Tonio and his family noong Saturday morning. Sinundo nila ako doon sa overpass sa may Al Khobar Telemoney.  Dumaretso na kami sa may Corniche(Bay Walk) Para mag breakfast.

 Breakfast sa Corniche

Pagkatapos ng almusal ay tumulak na kami sa Halfmoon Beach.  Ang kagandahan lang doon sa halfmoon beach ay merong mga free cottages, tabing kalsada at mga comfort room. And the disadvantages ay  maraming dumadaan na ibang lahi; ang iba ay may pag ka konserbatib at maring makulit din na mga kabataan. Nagpalipas lang kami doon ng init ng araw. Ok ka mag overnight dito kung marami kayo at saaskupin ninyo ang magkakasunod na cottages.

 Our Cottage

 Clean Comfort room



Pagkagat ng hapon ay nagtungo na kami sa K.F.P.U, Dolphin or  Filipino beach.  Medyo liblib ng konti at may karumihan na rin. Dahil maraming nagpupuntang Pinoy dito during Ramadan or Haj holidays. Hindi lang napapansin ang lokal na pamahalaan ang pagpapaganda dito.  Feeling safe ka dito kasi puro Pilipino ang nag kakamping at madalas na umiikot ang mga Coast Guard.

 Bago pa kumagat ang dilim ay nagtayo na  kami ng amig mga tents at inayos na rin ang aming mga lutuan.







Noong gabing iyon ay kami lang ang nagtayo ng mga tent at nag overnight. Karamihan kasi ay may mga pasok pa, hanggang sunday. Masarap talaga mag kamping lalo na kung kumpleto ang mga kagamitan. Sina pareng Tonio ay parang mga Boys Scout na laging handa. Parang buong bahay ay dala na nila. Meron silang dalang kalan at uling para sa mga ihawin. Bitbit din ni pare ang kanyang portable generator at spotlight.

Namili kami ng isda para sa pangsigang.  Bumili na rin kami ng Tilapia, marinated chicken at hotdog naman para sa aming iihawin.









 Kinabukasan ay nag almusal muna kami bago mag ligpit ng mga tent. Nakarga na namin lahat ng mga gamit sa aming sasakyan.  Tsaka kami nag swimming muna. Pagkaraan ng 30 minutes ay nagsiahon na rin kami nagpunta uli sa Corniche para magbanlaw.

Syempre hindi makukumpleto ang pagpunta ng mga bakasyonista dito sa Al Khobar  kung hindi dadaan sa Jollibee. Para kilatisin ang lasa at langhap sarap ng Jollibee. Bukod sa masarap na pagkain ng Chicken Joy at Jolli Hotdog ay meron paring mga bitbit na pampasalubong.






Share/Bookmark


4 comments:

EngrMoks said...

saya naman ng camping nyo tol...sarap naman may jollibee din dyan...hehe

Life Moto said...

@Moks masa naman kahit konti lang kami sa dagat.

elpi said...

I love camping too. .It seems that all of you enjoyed it a lot and I'm glad. Sarap naman ng Jollibee! can't wait on my break, jabe time ayee

Life Moto said...

@elpi we really enjoy. sarap mag ihaw ihaw sa dagat :)

Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates