Riyadh Vacationista Nov 2010 - Tonio & Family
Breakfast sa Corniche
Our Cottage
Clean Comfort room
Pagkagat ng hapon ay nagtungo na kami sa K.F.P.U, Dolphin or Filipino beach. Medyo liblib ng konti at may karumihan na rin. Dahil maraming nagpupuntang Pinoy dito during Ramadan or Haj holidays. Hindi lang napapansin ang lokal na pamahalaan ang pagpapaganda dito. Feeling safe ka dito kasi puro Pilipino ang nag kakamping at madalas na umiikot ang mga Coast Guard.
Bago pa kumagat ang dilim ay nagtayo na kami ng amig mga tents at inayos na rin ang aming mga lutuan.
Noong gabing iyon ay kami lang ang nagtayo ng mga tent at nag overnight. Karamihan kasi ay may mga pasok pa, hanggang sunday. Masarap talaga mag kamping lalo na kung kumpleto ang mga kagamitan. Sina pareng Tonio ay parang mga Boys Scout na laging handa. Parang buong bahay ay dala na nila. Meron silang dalang kalan at uling para sa mga ihawin. Bitbit din ni pare ang kanyang portable generator at spotlight.
Namili kami ng isda para sa pangsigang. Bumili na rin kami ng Tilapia, marinated chicken at hotdog naman para sa aming iihawin.
Kinabukasan ay nag almusal muna kami bago mag ligpit ng mga tent. Nakarga na namin lahat ng mga gamit sa aming sasakyan. Tsaka kami nag swimming muna. Pagkaraan ng 30 minutes ay nagsiahon na rin kami nagpunta uli sa Corniche para magbanlaw.
Syempre hindi makukumpleto ang pagpunta ng mga bakasyonista dito sa Al Khobar kung hindi dadaan sa Jollibee. Para kilatisin ang lasa at langhap sarap ng Jollibee. Bukod sa masarap na pagkain ng Chicken Joy at Jolli Hotdog ay meron paring mga bitbit na pampasalubong.
4 comments:
saya naman ng camping nyo tol...sarap naman may jollibee din dyan...hehe
@Moks masa naman kahit konti lang kami sa dagat.
I love camping too. .It seems that all of you enjoyed it a lot and I'm glad. Sarap naman ng Jollibee! can't wait on my break, jabe time ayee
@elpi we really enjoy. sarap mag ihaw ihaw sa dagat :)
Post a Comment