Sick Leave Ako!
Last two weeks ako ay nagpacheck-up ako sa isang neurology dito sa Al Salama Hospital sa Al Khobar. Dahil sa pananakit ng aking likod. Bunga ng pabubuhat ko ng mga Computers two months ago. Pinahiga ako sa kanyang kama at pinataas ang aking mga paa. Pagkabend ng tuhod ko ay pinukpok niya ng maliit na martilyo. Pagkatapos ay niresetahan ko ng Voltaren ,Relaxan and rofenac cream.
Nagbalik ako kahapon for follow-up check-up. Pinahiga lang ako sa kama na pataob. Sabay hawak sa aking mga paa at sinabihan akong itaas ko daw ang aking katawan. Ilan beses nya pinaulit sa akin. Then yun daw ang gagawin ko araw-araw, sabay bigay ulit ng reseta. Ni Hindi man lang hinawakan ang likod ko. Kaya hindi ko na rin binili yung gamot. Nagtanong ako tungkol sa Blood pressure ko. Pero pinatransfer nya ako sa ibang doctor, internist.
Minabuti ko na magpacheck-up na rin dahil last Friday ay nagpa BP ako at medyo may kataasan. Kasabay din dito ang pananakit ng aking balakang.
After galing ng Riyadh last Saturday ay sumama na pakiramdam ko. Dahil sa pagbabago ng climate . Malamig ang panhon sa Riyadh kaya sinipon ako at inubo. Kahapon ay pinilit pang pumasok. Pero sa hapon ay di ko na kaya, kaya nagpacheck-up na ako sa Salama Hospital. Na malapit lang sa amin.
Ito niresetahan ako ng mga gamot. Para sa sipon at ubo. Kaabay na rin dito ay pinacheck ko na rin ang aking blood pressure.Ang result ay 140/100. Wow mataas nga! Kaya yun Binigyan ako ng ganot para ma normal ang aking blood pressure. Nag request din ako ng blood chemistry test. Dahil sa sunasakit din pati ang aking balakang kaya pinasama ko na rin ang uric acid test.
Nagrecommend and aking Doctor ng Uric Acid, Creatinine, Total Cholesterol, HDL-Cholesterol, Triglycerides, Glucose test. After 30 minutes of waiting ay hindi naaprobahan ng aking insurance,BUPA, ang Uric Acid test. So I have to fast for 12 hours for the approved test.
Kaninang umaga ay nagtungo na ako sa Laboratory ng Al Slama Hospital for my blood test. After two hours ay nakuha ko na rin ang result. Praise God at normal naman lahat ng test ko. Of course pwera lang ang BP ko.
Ang hirap talaga pagnag-iisa ka sa ibang bansa. Self service. Wala nag-aalaga sa iyo. Tanging tawag, text and dasal ang magagawa ng ating mga mahal sa buhay. Vise versa kung sila naman ang may mga karamdaman ay wala rin tayo magagawa dito. Communication and prayers lang ang ating sandigan.
Biogesic - Paracetamol
Teveten to control my blood pressure
Relaxon is for muscles relaxant and analgesic
Mucolytic is for my ubo
Rofenac for Antirheumatic, Anti-inflamatory and analgesic
Voltaren for Antirheumatic, Anti-inflamatory and analgesic
Clara Loratadine for Antihistamine
Words of wisdom
“O Lord my God, I cried out to You, and You have healed me.” (Psalm 30:2)
“He heals the brokenhearted and binds up their wounds … Great is our Lord, and mighty in power …” (Psalm 147:3)
6 comments:
daming gamot tol...par, get well soon..ingat na lang sa susunod ha...alagaan mo sarili mo...(Hang swet! ko naman hehe)
Salamat Moks.
Pagaling ka po sir...kinikilabutan ako sa dami ng mga gamot...brrr...
salamat din Jag. kailangan inumin. hirap kasi ng walang nagaalaga :)
Get well soon, ang daming gamot nyan!
Madz thank you oo nga dami nahilo ako sa dami nila :)
Post a Comment