November 8, 2009

May Sulat Si Tatay at Nanay Para sa Atin


May Sulat Si Tatay at Nanay Para sa Atin

Hindi pa araw ng Tatay at Nanay, subalit karapat-dapat na paaalahanan tayo sa ating tungkulin bilang isang anak. May suntok sa dibdib ang kabuuang nilalaman ng tula na sinulat ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL Spiritual Director ng St. Augustine Parish sa Baliuag, Bulacan, ginigising nito ang kamalayan ng mga anak na nakalilimot sa kanilang mga magulang.


Narito po…


Sulat ni Tatay at Nanay

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.


Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.


Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.


Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.


Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.


Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,

Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali na ako'y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.


Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana . .. dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina. ..


Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles

CWL Spiritual Director

St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan"


12 comments:

  1. Muli ay ipapabasa at ibabahagi ko ang aking kasagutan sa liham na ito....

    http://mapanuringpanitik.blogspot.com/2009/02/gintong-sulat.html

    :)

    ReplyDelete
  2. hi there! thanks for the visit ... btw .. there's a youtube version on this post ... i have stumble over it ... kaiyakkk.... huhuhuhu

    ReplyDelete
  3. AZEL - Nauna na yung sagot. Just read your post its superb.

    Vernz - oo nga maghahanap ako ng magandang video nya, please don't cry kundi guilty ka hehehehe

    ReplyDelete
  4. it all goes back to what the scrptures said: Honor our parents, do not mock them because they get old.

    those who insult and disrepect their parents do not deserve to be born, or to get old. Feel ko lang...

    ReplyDelete
  5. sila ang nagbigay ng buhay at naggabay saten upang marating natin ang lugar na kinalalagyan natin ngayon...i guess we can never measure up to that, we can only give back what we can, the least of it is to love them until the end...

    ReplyDelete
  6. Salamat sa post na to pre...

    Minsan kasi talaga may mga anak na binabalewala na lang ang mga nagawa sa kanila ng kanilang magulang...at sana panalangin kong hindi gawin ng magiging anak nila ang ginawa nila sa kanilang magulang

    ReplyDelete
  7. Cesca - Amen po ako dyan. back to the golden rule.

    DETH - Love dagadagan pa natin ng action.

    Lord Cm - plagay ko chain reaction bro. kung ano ang ginagawa ng matandda ay gagayahin ng bata.

    ReplyDelete
  8. Napakagandang katha ni Padre Ariel F. Robles, ito ay nagbigay inspirasyon sa akin na aking gamitin sa aking blog nuong Mother's Day at ginawan ko rin ng kutugunang liham.

    http://palipasan.blogspot.com/2009/05/isang-liham-ni-inay-ngayung-mothers-day.html

    ReplyDelete
  9. Parang I'm hearing my father talking to me. Yan ang madalas nyang sinasabi sa akin. Naku if you only know how we converse in Skype, parang magkababata.

    Parang ganito:

    O, balita ko wala na nman daw kaung tigil kalalabas ng bahay?
    Exercise un.
    E lagi daw kaung inuubo.
    Wala un. Siempre, me edad na ako kaya napapagod. E pag napagod, inuubo.
    E ung gamot nyo, iniinom nyo?
    Hindi. Ayokong mabingi. Sabi ng doktor ko,nakakabingi daw ung sobrang gamot.

    Minsan natatawa ako sa tatay ko. Sana kahit magkakalayo kami, maramdaman nila na love ko sila. Dahil sa katotohanan naman: love ko sila. At kapag nawala sila ng nanay ko sa buhay ko, hindi ko na alam kung saan ako tutungo.

    (Ay, napahaba!).

    ReplyDelete
  10. Hindi nakakasawang basahin ito kahit matagal ko na itong nabasa ay finoforward ko pa rin sa mga friends ko, ipapabasa ko nga ito sa anak ko hehehe thanks

    ReplyDelete
  11. Pope - worth to response sa mga ganitong sulat para sa ating mga magulang.

    Nebz - Dapat nga lalo tayo matuwa sa ating mga magulang kapag nagiging makulit sila. Kasi mahirap kung di na sila nagreresponse sa mga sinasabi natin. OK LANG MAHABA NAPANGITI MO naman ako sa inyong paguusap.

    Sardonyx - oo nga para inilalagay natin ang ating sarili sa shoes nila. Same with me i send it to my chidren too. habang meron pa tayong laks na mag internet.

    ReplyDelete
  12. very inspiring na sulat...makasulta kaya ako nito pagtanda ko...only God knows...naalala ko tuloy Nanay ko na makulit...i ma just thankful that she survived and recover from her stroke...kaya uuwi ako ng Pinas...malapit na!
    more travel pix dito..
    Euro Travel
    Explore Germany
    Discover USATravel the World

    ReplyDelete

Thank you for the first to comment. Also thank you for those who share their comments. God bless you!