Amnesty Para sa Overstay OFW Sa Saudi Arabia Lilinawin
Ang Ministry of Interior ay nagpahayag na magbibigay ng amnesty sa over stayers na OFW (Overseas Foreign Worker) expatriat or expired visas, illegal na nakapunta ng Saudi. Bibigyan ang mga over stayers ng anim na buwan para sumuko. Mula sa September 25, 2010 hanggang March 23, 2011.
Pinapayuhan ang mga OFW ng mag-antay muna ng maliwag na guidelines. Inaalam pa ng ating embahada, sa pamumuno ng ating Ambassador Antonio P. Villamor, kung sinu-sino ang mga makakasama sa amnestiya. Ayon sa Ministry of Interior ang makakasama ay mga nag Umrah, Hajh at iba pang visa na na expired. Nais din malaman ng ating ambassador kung makakasama dito ang mga Domestic helper at labor na tmakbo mula sa kanilang mga employers. Kung maaayos ang mga exit document, sino ang mag shoulder ng air ticket at ano ang mga documents na kakailanganin?
Kasabay dito ay nagbabala ang ating Labor Attache David Des Dicang ng POLO-Eastern Region Operations na mag ingat kung nais mag avail ng amnetiya. Marami sa mga individual at grupo na magpapanaggap na kayo ay matulungan.
Para makasiguro ay makipag-ugnayan lamang sa mga opisyales ng ating embahada.
Narito ang mga numbers na pwedeng tawagan:
Philippine Embassy – Riyadh: 01-4821802 / 01-4823559 / 01-4880835
Philippine Consulate – Jeddah: 051-5124797 / 02-6658462 x 101
POLO-Eastern Region Operations: 03-8941846 / 03-8942890
source: Tinig ng Disyerto & arab news
No comments:
Post a Comment