1 Day Before Christmas - Gift Giving (Aguinaldo)
1 Day na lang at Christmas na. Kaya gusto kong mag countdown by counting the Filipino customs and traditions during this Holiday seasons. My twelfth item Gift Giving (Aguinaldo).
Ang pagbibigay ng aguinaldo ay isang tradition na nagmula pa sa ating mga ninuno. Marahil ito ay nagsimula sa tatlong pantas; "Nang sila ay nasa loob na ng bahay, nakita nila ang bata, kasama ang kaniyang inang si Maria. Sila ay nagpatirapa at sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan, naghandog sila sa kaniya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira." (Mateo 2:11)
Ang pasko ay araw ng pagbibigay, kapayapaan at pagmamahalan. Ito rin ang pinakamasayang buwan ng taon. Para sa may trabaho, nakakakatanggap tayo ng 13th month pay, Christmas bonus, extra bonus at kung anu-ano pang fringe benefits. Saan kapa pag-uwi galing sa Christmas party ay meroon pang baon na kesso de bola, fiesta ham o di kaya isang plastic bag ng grocery. Oh... hohoho! hehehe! Ang saya-saya diba. Kakakatuwang nakakatanggap tayo ng mga aguinaldo sa ating mga amo.
Kung paano tayo napaligaya ng ating mga amo ay nararapat na ipamahagi din natin ang mga blessing na natatanggap natin. Kami ng sweetheart ko ay meron na nakahanda ng listahan ng mga regalo para sa amin mga anak, inaanak, kapamilya at kapuso... Doble ang saya ng pakiramdam kapag ikaw ang nagbibigay ng aguinaldo. " It is better to give than to receive!"
Kadalasan kapag magbibigay tayo ng regalo ang unang pumapasok sa isip natin ay yung the best na maibibgay natin. Yun bang tipong na kahit wala na sa budget ng ating bulsa ay pilit pa natin dinudukot. O di kaya ang isang bagay na pinaghirapan nating gawin, personalized para unique. Ika nga mula sa puso.
Alam nyo ba na meroon din Special na Aguinaldo ang Diyos para sa atin, bukod sa physical at pinansyal? Ito ay ang Kanyang bugtong na si Jesus. "Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."(John 3:16).
Sabi nga kung magbibigay ka rin todo mo na. Sa araw na ito ano naman kaya ang the best gift na maibbigay natin sa ating Panginoon? Hindi na kailangan ng mamahaling hiyas o gintong nilukob. Ang tanging alay natin sa ating Ama ay ang ating pagmamahal sa Kanya at sa kapwa.
Give Love on Christmas day. And let us make everyday a Christmas day.
Life Moto
life is worth living for...
Hi life, naku! ang sarap ng bawal .. nyayaya! yummy lechon ..
ReplyDeletedropping by to say Merry Christmas and love filled days ahead.!
Merry Christmas din sa'yo!! Kakagutom yun napanood ko hehehe...
ReplyDeleteIlang oras na lang Pasko na weee! Mas gusto ko ang lechon pag ito`y ginawang paksiw yum yum yum!
ReplyDeleteMerry christmas!