Konting Trivia muna sa kapanganakan si Jesus (biblically) Mateo 1
18Ganito ang naging kapanganakan ni Jesucristo. Ang kaniyang inang si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19Si Jose na kaniyang asawa ay lalaking matuwid at hindi niya ginusto na mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang paalisin nang lihim si Maria.
20Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: Jose, ikaw na nagmula sa angkan ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa. Ito ay dahil ang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. 21Siya ay manganganak ng isang lalaki. Ang ipangangalan mo sa kaniya ay Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao sa kanilang kasalanan.
22Ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta. 23Sinabi nila: Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.
24Sa pagbangon ni Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ayon sa ipinag-utos sa kaniya ng anghel ng Panginoon. Tinanggap niya si Maria upang maging asawa. 25Hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki. Pinangalanan siya ni Jose na Jesus.
Ang Pagdating ng mga Pantas Mateo 2
1Pagkatapos na maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Juda, sa panahon ng paghahari ni Herodes, may dumating sa Jerusalem mula sa silangan, na mga lalaking pantas sa pag-aaral ng mga bituin. 2Sinabi nila: Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Ito ay sapagkat nakita namin ang kaniyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin siya.
3Nang marinig ni haring Herodes ang mga bagay na ito, naligalig siya at ang lahat ng mga tao sa Jerusalem. 4Tinipon niya ang lahat ng mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ng mga tao. Tinanong niya sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesiyas. 5Sinabi nila sa kaniya: Sa Bethlehem ng Judea sapagkat ganito ang isinulat ng propeta: 6Ikaw Bethlehem sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga gobernador ng Juda sapagkat mula sa iyo ay lalabas ang isang pinuno na siyang mamumuno sa aking bayang Israel.
7Nang magkagayon, tinawag ni Herodes nang palihim ang mga pantas na lalaki. Itinanong niyang mabuti sa kanila kung kailan nagpakita ang bituin. 8At pinapunta niya sila sa Bethlehem. Sinabi niya: Pumaroon kayo at matiyaga ninyong ipagtanong ang patungkol sa bata. Kapag natagpuan ninyo siya, balitaan ninyo ako upang makapunta rin ako at sambahin siya.
9Pagkarinig nila sa hari ay tumuloy na sila sa kanilang lakad. Narito, ang bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nanguna sa kanila. Nanguna ito sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng maliit na bata. 10Nang makita nila ang bituin, lubos silang nagalak. 11Nang sila ay nasa loob na ng bahay, nakita nila ang bata, kasama ang kaniyang inang si Maria. Sila ay nagpatirapa at sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan, naghandog sila sa kaniya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira. 12At nagbabala ang Diyos sa kanila sa isang panaginip na huwag na silang bumalik kay Herodes. Kaya sila ay nag-iba ng daan pauwi sa kanilang sariling lupain. source http://www.biblegateway.com
Hindi man eksaktong December 25 ang araw ng kapanganakan ng Panginoon Jesus. Ang mahalaga ay ang pagdating Nya para maligtas ang bawat isa.
Christmas is a time of; gift giving, noche buena, pag decorate ng mga Christmas ornament sa bahay, party all the way, pagsabit ng parol, pagkaroling, simbang gabi, pagkain ng masasarap na fiesta ham, puto at bibingka, pagkaroon ng bagong damit at sapatos.
Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko?
Peace - Ang kapayapaan ay magsisimula sa ating sarili.
Share - Kung paano natin natatanggap ang mga blessing ay marapat na ipamahagi natin.
Love - kalimutan ang ang mga adhiwaan at magmahalaan tayo. Katulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin.
Humility - si Jesus ay ipinanganak sa sabsaban. Dito ipinakikita ang kababaang loob na ating Panginoon.
Ilan lang yan sa mga diwa ng pasko. Dapat natin ipamuhay ang tunay na diwa, hindi lang sa pagsapit sa buwan ng December kundi sa buong taon. Sana araw-araw ay magiging Pasko lagi. Bukod sa materials, higit dito ay spiritual nating pamumuhay.
Kung His Hsin Nien bing Chu Shen Tan
Glaedelig Jul
Joyeux Noel
Selamat Hari Natal
Shinnen omedeto. Kurisumasu Omedeto
Maupay nga Pasko ngan Mainuswagon nga Bag-o nga Tu-ig
Sawadee Pee Mai
Merry Christmas!
Life Moto
life is worth living for...
Merry Christmas, Jess. Sa iyo at sa iyong pamilya! Godbless.
ReplyDeleteMaraming salamat sa paghahatid ng mensahe ng kapaskuhan, nawa'y ang pagpapala na hatid ng Banal na Sanggol mula sa sabsaban ay haplusin ang ating mga puso upang mahantungan natin ang tunay na kahulugan ng kapayapaan at pag-ibig sa kabila ng ating mga pangungulila sa ating mga mahal sa buhay sa ating pananatili sa ibang bansa.
ReplyDeleteMaligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya kaibigang Jess.
Happy Holidays to you and to your loved ones.
ReplyDeleteMerry Christmas bro..Thanks sa inspiring message mo..tama ka bro, we live everything to Him..
ReplyDeleteNice message!
ReplyDeleteMerry Christmas Bro!
Nebz- SAme to you !
ReplyDeleteGeorge - salamat din bro sa yung mensahe. Bgamat malayo tao sa ating mga mahal sa buhay naway ang kapayapaaan ay nasa bawawt isa sa atin.
Misalyn - Merry christmas also to you and family
Ruphel- your most welcome bro. Ang mahalaga ay nagmahal tayo ng tapat. Kung hindi man naging sapat ay wala na sa atin ang pagkukulang.
Moks- merry christmas too.
Season's greetings! Wishing you and your family peace, joy and love especially this yuletide season... jejejejeje
ReplyDeleteWord verification: sympre... jijijijijiji...
Merry Christmas Kuya Jess!!!
ReplyDeleteXprosaic & AZEL - and ha ppy new year to you and your family too!
ReplyDeleteThanks for sharing the verses.
ReplyDeleteKurisumasu omedetto gozaimashita!
life moto, merry christmas!
ReplyDeleteayos ah! may countdown for the new year and sidebar! may fireworks display ba?
Fr Felmar - Happy Blessed new year, aabangan ko kung meron syang fire work s new year :)
ReplyDeleteMERRY CHRISTMAS PO! late man daw eh pede pading humabol! pero eto a advans kona HAPPY NEW YEAR!!
ReplyDeletesalamat po sa pagdaan sa istasyon ko..
rock on!
Thank you for the wonderful message. Wishing you a wonderful New Year. God Bless!!
ReplyDeleteJag - your welcome, have a nice holiday!
ReplyDeleteBoni- oklang dahil araw-araw naman ay pasko para sa atin. Happy new year!
Vicy - hAPPY new year to you and family too
Late na ang pagbati ko kaya Happy New Year na lang, sana araw-araw laging Pasko para mas masaya at sana araw-araw din magbibigayan (yun nga lang mamumulubi tayo hehehe). Cheers!
ReplyDeleteSArdonyx- give love on christmas day. Kung mayaman tayo sa pagmamahal ay tyag na di tayo mauubusan. Happy new year!
ReplyDeleteThat is a nice history!
ReplyDelete