2 Days Before Christmas - ChrisTmas Karoling
DBTC High School Batch 86 Choral
2 Days na lang at Christmas na. Kaya gusto kong mag countdown by counting the Filipino customs and traditions during this Holiday seasons. My eleventh item Chrismas Karoling
"Ang pasko ay sumapit tayo ay mangag si awit. Sa may bahay ang bati Merry Christmas nang maluwalhati. We wish you a Merry Christmas and a Happy New Year... Thank you! thank you ang babait ninyo Thank you!"
Ito ang mga typical na awitin na maririnig natin sa tapat ng ating bahay pag sapit ng gabi tuwing kapaskuhan, na nagmumula sa matitinis na timig ng mga bata. Ilan lang 'yan sa kanilang mga kanta na ang sarap pakinggan at hindi nakasawang ulitin. Kahit wala na ito minsan sa tono at sali saliwa ang mga lyrics ay tuloy pa rin ang awitan. Maiindak ka sa hampas ng latang tambol, ala marakas na yari sa pinitpit na tantsan at pukpok ng bato. Pagkatapos ng kanilang karoling ay masaya na sila sa miliit na kinita at ito'y paghahatian na.
Ang karoling ay hindi lamang sa mga bata. Mula sa mga teen ager hanggang sa mga propesyonal na singer ay nagbuo ng kani kanilang koro para sa pangangaroling. May mga dahilan kung bakit nila ginagawa ito. Una na syempre ay para kumita, may magamit sa Christmas party at higit sa lahat ay para makatulong sa ibang tao or institution.
Isa na dito ay ang Don Bosco Technical College (High School Batch 86) Choral. Suporta ng kanilang mga asawa't anak ay nagkaroon ng adhikaan na makalikom ng pondo para sa iba't ibang proyekto. Una ay para sa aming silver home coming sa 2011, digital library, pagsasaayos ng gym, support sa mga athletes, financial support sa mga families ng mga naulila, naapektohan ng mga kalamidad at marami pang iba.
Maging sa amin mga nasa iba't ibang bahagi ng mundo ay hindi nila kami nakakalimutan alayan ng kanilang magagadang awiting pamasko.
Hindi nila tangan ang pagod at hirap ng practice at halos gabi gabi pangangaroling.May kagalakan sa kanilang puso na gawin ito. Dahil batid nila na marami silang matutulungan sa kanilang pagpapagal. Kaya lalo tumitibay ang samahan ng bawat isa. Hindi man sila mga professional singers pero meron silang pusong professional. Ika nga give love on Christmas Day. I personally thank to our batch-mates for the advocacy.
High School Batch 86 Choral with there families
Life Moto
life is worth living for...
4 comments:
I am looking to do something fun and unique with a small group of people for my 25th in Atlanta. Unfortunately my birthday is on a Tuesday this year and only two days before Christmas! Any ideas on a place with live music or unique party settings? Good drinks and appetizers? Any help would be very much appreciated!!!
Sarap magkaroling, even after college nangangarolong pa rin kami with our Parish Choir geoup at ako ang gitarista, I missed those days pagkatapos ng karoling deretsong simbang gabi naman, grabeh ang energy namin nun... I really missed the Pinoy Xmas tradition.
Hindi ko na hihintaying ang "countdown" to xmas. Baka saan ako mapadpad.
Merry Christmas!!
i love the snowso i would go sleddin, snowboarding or have a snowball fight. but if u don't have snow than maybe go to the movies.
Post a Comment