Nine Days Before Christmas - Christmas Tree


Nine Days Before Christmas - Christmas Tree

9 Days na lang at Christmas na. Kaya gusto kong mag countdown by counting the things that we make and do during this Holiday seasons. My forth item ay Christmas Tree.

Karaniwan na makikita ang Christmas Tree na isa sa mga ornaments na nabibigay kulay at sigla sa kapaligiran tuwing sasapit ang kapaskohan. Saan man mapaling ang iyong mga mata ay makikita mo ang mga naggagandahang Chirstmas Tree. Mula sa mga maliliit na dampa hanggang sa mga naglalakihang gusali; Ali Mall, Mega Mall, Asia Mall at kung anu- ano pang mall ay may nakatayong Christmas Tree.

Iba't ibang kulay, uri at laki ang makikita mo. Depende na lang sa budget at panlasa ng may ari ng Christmas tree. Kahit wala ngang snow sa Pilipinas ay meron white tree. Kung nais mo na may pagkaelegante ang dating, bagay sa taste mo ang silver or golden tree. Pero mas realistik kung green ang christmas tree mo.

Salat man tayo sa Fir tree ay hindi nangangahulugan na wala na tayong Christmas tree. Iba talaga ang galing ng Pinoy. Likas na sa atin ang pagiging isang kretib at artistik. Gawa ng malikhaing kaisipan ay nakakagawa tayo ng mga Christmas tree na yari sa iba't ibang materyales.

Isa sa Christmas tree na yari sa walis tingting ang amin naging project noong nasa elementaya pa ako. Sa bahay naman ng tiyahin ko ay aChristmas tree na gawa sa kartolina na may hinugis cone. Ito naman pinalibutan ng egg foam.

Dahil sa climate change kaya kailangan gumamit ng recycle materials.
Noong nakaraang taon, gumawa sila ng Christmas tree na gawa sa gulong, ngayon naman isang 30-footer Christmas tree na gawa sa basura ang itinayo ng isang barangay sa Ibaan, Batangas.



Marami din mga matataas ng Christmas tree na matatagpuan sa Pilipinas. Ang Christmas Tree sa Araneta center ay isa sa mga pinataka matagal at pinaka mataas.
May taas itong 85 talampakan at inaabangan ng marami tuwing Pasko kapag iilawan ang kanyang Christmas lights. Ang Christmas tree sa Puerto Princesa City sa Palawan ay taas na 100 talampakan. May itinayo ring dambuhalang Christmas tree sa Davao City na tinatayaang aabot din sa mahigit 100 talampakan ang taas. Ngunit ang itinuturing pinakamataas na Christmas tree ay makikita sa Tagum City sa Davao del Norte na aabot sa 160 talampakan.- GMANews.TV

Sa amin tahanan ay nagtatayo kami ng Christmas tree right after ng All Saints Day. Dahil sa may paka kretib ang Sweetheart ko kaya bawat taon ay iba ang desenyo sa aming puno. Ang bawat isa sa amin ay nagagalak at nasasabik na matapos ang aming puno. Nakakapawi ng pagod at ligayang nadarama sa oras na sinindihan na namin ang mga kumukutitap na iba't ibang kulay ng ilaw nito.

Gaano man kaliit ang ating Christmas tree ang mahalaga ay kung paano natin isinasapuso ang essence ng Christmas. Huwag lang tayo titingin sa mga regalo sa ilalim ng Christmas tree, rather tignan natin kung saan nakaturo ng puno, heaven. Be content for what we have and always give thanks to the Lord for His blessings.

Words of Wisdom

Everything has its wonders, even darkness and silence, and I learn, whatever state I may be in, therein to be content. - Helen Keller




Photo: Tallest Christmas tree sa Tagun Davao (wikipediea)

6 comments:

The Pope said...

I remember during my youth that every year, our family improvise a Christmas tree for our home. Meron kaming xmas tree na gawa ng sinulid, den meron din kaming yari lang ng walis tingting. May cartolina lang din. Nakakatuwa nuon, kasi we learn to be more creative and make use of the available resources we have, masyadong mahal kasi ang Xmas tree nuon. Uso pa nuon ay iyong xmas tree na gawa mula sa mga sanga ng kahoy at nilalagyan ng bulak.

Life Moto said...

George- iba talaga kapag kulang ang budget. lumalabas ang ating pagiging kretib. Salamat sa pagshare mo ng iyong chrristmas trees. Nakaakatuwa lang isipin ang mga nakaraan christmas.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

Merry Christmas po. Gift ko po ninong, hehehe.

inadd na po kita sa links ko. balik po kayo ulit ha.

Life Moto said...

Fr Felmer- isang munting prayer ang regalo ko sa inyo. Salamat at magkikitakita tayo muli.

Anonymous said...

Ang tanging palamuti na makikita mo sa lahat ng bahay ng mga Kristiyano tuwing Pasko.

The other day, I attended a short mass. The Eucharistic Priest asked us what's the essence of Christmas tree during Christmas.

Walang nakasagot.

Ang sabi ng EP: Ipinapaalala ng Christmas tree ang family tree ni Jesus -- from David down to Joseph.

Did you know na mula pala sa angkan ng mga haragan si Hesus? Ang mga ninuno nya ay either mga bida sa kwento sa Bible o kaya nama'y kontrabida.

Lesson here: We may have a shady past, but God can do wonderful things to make our lives great...if only we'd give it all up to Him!

(Ayan na. Nangaral na po!).

Merry Christmas, Jess.

Life Moto said...

Nebz- baka naman nahihiya lang ang nga tao na sumagot.:) Well minsan ay dapat natin Bigyan ng essence ang mga bagay naginagawa natin para mas feel natin at hindi lang palamuti sa bahay.

Amen ako sa sermon mo bro.

Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates