Salamat Po Nanay Sa Pagmamahal Na Inialay Mo
Mga kaibigan last May 16, 2010 ay dumulog ako sa inyo ng
Prayers Request for Nanay dahil sa malubha nyang karamdaman. Ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ko man na elaborate ang kanyang mga naging sakit. Sa kahilingan ng aking may bahay. Taos puso ako nagpapasalamat sa mga nagtugon ng pakikiisa sa panalangin. Kahapon, August 28, ay pumanaw na po ang aking mahal na Nanay. Siya ang aking butihing mother in law.
Hindi po batid ng lahat na meron syang liver and lungs cancer at ito ay nasa stage 4 na po. Huli kami nagkita ni Nanay ay nung nagbakasyon ako nitong summer. Sa aking pagbalik sa bansang Saudi ay nagsimula na dumaing na masakit ang kanyang tyan. Kinapa ng aking sweetheart ang kanyang tiyan doon ay matigas na bukol na wari mo kaparte ng ribs. Kaya kaagad nila pinasuri sa kanilang doctor. Sa pagsusuri ay may pagkaduda na sya sa kalagayan ni nanay. Nag advised si doctor Puray na ipasailalim sa sa
CT Scan. Paglabas ng resulta ay kaagad naman ibinalik sa doctor. Doon na nga po nakita ang bukol na namuo sa kanyang liver. Upang magkaroon pa ng masusing pagsusuri ay inirekomenda sila sa isang Oncologist specialist na doctor for liver. Muli po siya pina CT Scan. After na mabasa ng doctor and resulta ng CT Scan ay balak sana ipa
Chemoembolization (trans-arterial chemoembolization or TACE) si nanay. Subalit nang basahin uli yung CT Scan result ay meroon nadaanan na bukol sa lower part of the lungs. Kaya nag advised uli siya para ma ct scan ang lungs. Sad to say na malaki na rin ang mga bukol sa kanyang lower left and right lungs. At this point ang nasabi ng doctor ay sa edad ni Nanay ay baka hindi nya makaya ang dalawang operations. "
Malalampasan man nya ang liver chemoembolization pero di makakayanan ang para sa lungs. Depende na lang sa inyo kung aggressive kayo gumastos. But walang assurance na ma-extend ng mahabang panahon si nanay, mapalad na po kung aabot si nanay ng 6 months. " paliwanag ng doctor.
Sa mgapanahon na iyon ay andoon ang lungkot at takot na mawala ng maaga si nanay. At halos araw-araw ay umiiyak ang aking maybahay. Wala an ako magawa kundi maicomfort sya sa phone at internet.
Sadyang napakabait ni nanay. Kahit na masakit na masakit ang kanyang tyan ay pinipilit parin na maging normal. Isa na rin sa dahilan na ayaw nya magalala at magastusan ns malaki ang kanyang mga anak. Ganun pa man ay patuloy pa rin namin binibigay ang mga gamot na kailangan upang maibsa lang ang sakit ng kanyang nararamdaman. Last 3 weeks ago ay na confined sa hospital na halos 1 linggo. Subalit itong mga huling araw ay di na sya nakakatulog at naglalambing sa kanyang mga anak. Minsan ay nagpapayakap siya kay misis ay umiiyak. Dahil may takot sya na maiwan sila. Gusto pa nyang tumagal ang kanyang buhay para makasama nya pa ang kanyang mga anak at higit sa lahat mga apo.
Ganaun pa man ang sabi ko nga kay misis. Napakabuti ng Diyos. Binigyan Nya tayo ng pagkakataon na pagsilbihan si nanay at maibigay ang lubos na pagmamahal sa kanya. Ang amin panalangin ay huwag na sana mahirapan pa ng matagal si nanay. Tinugon ng Panginoon ang aming mga panalangin sa Kanya. Naniniwala po ako na ngayon ay lubos na ang kahingawaan ang nararamdaman ni nanay. At masaya na sya sa piling ng ating Poon Maykapal...
Marami po salamat nanay sa pagmamahal na ipinadama mo sa amin. Sa pagaaruga na binibigay mo sa aming mga anak. Sa malasakit at pagaalala mo sa bawat isa sa amin.
Mahal na Mahal Ka na Namin Nanay.
Nahum 1:7
The LORD is good, a refuge in times of trouble. He cares for those who trust in him,
Matthew 5:4
Blessed are those who mourn, for they will be comforted.