Showing posts with label Nanay. Show all posts
Showing posts with label Nanay. Show all posts

Pag-gugunita sa Ika-71 Kaarawan ni Nanay

Pag-gugunita sa Ika-71 Kaarawan ni Nanay


Sa araw na ito ay ginugunita namin ang ika 71 karawan na mahal namin nanay.  Lubos kami nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa buhay na ibinigay kay nanay. Bagamat si Nanay ay kapiling na ni Lord ay parang naandyan lang sya sa aming tabi. Maraming bagay ang namimiss namin kay nanay. Sya ang taong na hindi nagsasawa na mahalin at aarugain ka. Ito ang unang kaarawan nya mula ng sya ay pumanaw.

Nakakamiss ang pagdadasal at pagbabasbas ni Nanay. Tuwing aalis kami ay nagdadasal si nanay at babasbasan kami. Pati na rin ang mga sa sasakyan na ming ginagamit or gagamitin.  Paggising sa umaga, sa hapon at bago matulog ay nagnunubena na si nanay. Sa araw ng pangilin ay hindi sya di makadalo. Pagdumarating ang mga problema ay lagi nya sinasabi ay magdasal kayo mga anak.  At pagmay karamdaman ka ay sasabihin nya na pagagalingin Nyo ako Panginoon.  Lagi nya ipinagkakatiwala ang aming mga buhay sa ating Panginoon Diyos.

Nakakamiss ang mga kwentuhan namin na walang patid. Tuwing araw ng Lingo ay nagpupunta kami sa kanila. Madalas ay nag-uupukan na kami at magkukuwentuhan.  Hanggang sa mauwi sa forty-one na laro. At matatapos ang araw namin sa mga storyahan.

Nakakamiss ang mga luto ni Nanay.  Mahilig pa magluto ng mga sinabawan si nanay. Tatawag na yan pag nakaluto na sya. Oh Jess pumunta kana dito sa bahay at luto na ang nilaga.  Mararap din ang luto nyang pakbet o di kaya ang bulanglang. Meron pa yan na maglalaga ng mga gulay at sasahugan ng inihaw na isda.  Kaya minsan kapag nag-ihaw kami ng bangus, after ng kainan ay maiiwan ang ulo.  Kinabukasan bibili na si nanay ng mga gulay na tulad ng talong at saluyot . Yun  sarap! Lalo na may konting bagoong isda.

Nakakamiss ang kanyang pag-aalaga at pag-aaruga.  Alam nyo bang kapag ang isa sa amin ang may sakit ay hindi mapapakali si nanay hanggat di sya nakakasiguro na maayos na ang lagay mo. Isa si nanay na mahilig na herbal medicine.  Naaalala ko pa nung maliit pa ang aking mga anak, si John & Angel, kapag may matigas na plema ay maghahanap na sya ng mga dahon ng oregano sa kapit bahay. Didikdikin ni Nanay ng dahon ng oregano. Yun katas nun ang ipapahid sa dila para maisuka ng bata ang matigas na plema. Yung bang tipo dito di makuha ng gamot.  Sa sakit ng ulo ng Sweetheart ko sya rin ang nakakginhawa.  Para bang may himala ang mga kamay ni nanay. O may haplos ng pagmamahal.

Nakakamiss ang pagpamamahal ni nanay. Lagi nya iniiisip ang kinabukasan namin.  Lubos siya nagagalak kapag na kakakuha ng magandag grades ang mga bata sa school.  Tuwang-tuwa naman sya kapag nakakasama ang mga apo sa top 10 or anuman kompitisyon. Di rin sya nawawala sa mga activities sa school.

Marami-Maraming salamat po Nanay sa buhay at pagmamahal na ibigay mo sa amin.  Batid namin na masaya ka na sa piling ng ating Poon Maykapal.

Mapagpalang Kaarawan sa Iyo Nanay!  Mahal Ka Namin!

Family that prays together, stays forever.....

Share/Bookmark


Salamat Po Nanay Sa Pagmamahal Na Inialay Mo

Salamat Po Nanay Sa Pagmamahal Na Inialay Mo



Mga kaibigan last May 16, 2010 ay dumulog ako sa inyo ng Prayers Request for Nanay dahil sa malubha nyang karamdaman.  Ipagpaumanhin po ninyo kung hindi  ko man na elaborate ang kanyang mga naging sakit. Sa kahilingan ng aking may bahay.  Taos puso ako nagpapasalamat sa mga nagtugon ng pakikiisa sa panalangin. Kahapon, August 28, ay pumanaw na po ang aking mahal na Nanay. Siya ang aking butihing mother in law.

Hindi po batid ng lahat na meron syang liver and lungs cancer  at ito ay nasa stage 4 na po. Huli kami nagkita ni Nanay ay nung nagbakasyon ako nitong summer. Sa aking pagbalik sa bansang Saudi ay nagsimula na dumaing na masakit ang kanyang tyan. Kinapa ng aking sweetheart ang kanyang tiyan doon  ay matigas na bukol na wari mo kaparte ng ribs. Kaya kaagad nila pinasuri sa kanilang doctor. Sa pagsusuri ay may pagkaduda na sya sa kalagayan ni nanay. Nag advised si doctor Puray na ipasailalim sa sa CT Scan. Paglabas ng resulta ay kaagad naman ibinalik sa doctor. Doon na nga po nakita ang bukol na namuo sa kanyang liver. Upang magkaroon pa ng masusing pagsusuri ay inirekomenda sila sa isang Oncologist specialist na doctor for liver. Muli po siya pina CT Scan. After na mabasa ng doctor and resulta ng CT Scan ay balak sana ipa Chemoembolization (trans-arterial chemoembolization or TACE) si nanay. Subalit nang basahin uli yung CT Scan result ay meroon nadaanan na bukol sa lower part of the lungs. Kaya nag advised uli siya para ma ct scan ang lungs. Sad to say na malaki na rin ang mga bukol sa kanyang lower left and right lungs. At this point ang nasabi ng doctor ay sa edad ni Nanay ay baka hindi nya makaya ang dalawang operations. "Malalampasan man nya ang liver chemoembolization pero di makakayanan ang para sa lungs. Depende na lang sa inyo kung aggressive kayo gumastos. But walang assurance na ma-extend ng mahabang panahon  si nanay, mapalad na po kung aabot si nanay ng 6 months. " paliwanag ng doctor.

Sa mgapanahon na iyon ay andoon ang lungkot at takot na mawala ng maaga si nanay. At halos araw-araw ay umiiyak ang aking maybahay. Wala an ako magawa kundi maicomfort sya sa phone at internet.

Sadyang napakabait ni nanay. Kahit na masakit na masakit ang kanyang tyan ay pinipilit parin na maging normal.  Isa na rin sa dahilan na ayaw nya magalala at magastusan ns malaki ang kanyang mga anak. Ganun pa man ay patuloy pa rin namin binibigay ang mga gamot na kailangan upang maibsa lang ang sakit ng kanyang nararamdaman. Last 3 weeks ago ay na confined sa hospital na halos 1 linggo.  Subalit itong mga huling araw ay di na sya nakakatulog at naglalambing sa kanyang mga anak. Minsan ay nagpapayakap siya kay misis ay umiiyak. Dahil may takot sya na maiwan sila. Gusto pa nyang tumagal ang kanyang buhay para makasama nya pa ang kanyang mga anak at higit sa lahat mga apo.

Ganaun pa man ang sabi ko nga kay misis. Napakabuti ng Diyos. Binigyan Nya tayo ng pagkakataon na pagsilbihan si nanay at maibigay ang lubos na pagmamahal sa kanya. Ang amin panalangin ay huwag na sana mahirapan pa ng matagal si nanay. Tinugon ng Panginoon ang aming mga panalangin sa Kanya. Naniniwala po ako na ngayon ay lubos na ang kahingawaan ang nararamdaman ni nanay. At masaya na sya sa piling ng ating Poon Maykapal...

Marami po salamat nanay sa pagmamahal na ipinadama mo sa amin. Sa pagaaruga na binibigay mo sa aming mga anak. Sa malasakit at pagaalala mo sa bawat isa sa amin.

Mahal na Mahal Ka na Namin Nanay.


Nahum 1:7
The LORD is good, a refuge in times of trouble. He cares for those who trust in him,

Matthew 5:4

Blessed are those who mourn, for they will be comforted.

Share/Bookmark

Prayer Request Para Sa Pinakamamahal Nanay Namin

Prayer Request Para Sa Pinakamamahal Nanay Namin




“Heavenly Father, You are intimately aware of the struggle we experiencing --
the pain and the despair. You know the desire of our heart to be healed
 of this illness. I ask now for Your healing touch. I know that
You are able and that just like in Bible times, You can heal us.
“we also understand that You will chose what is best for us.
we pray that through this trial, we will draw close to You --
that You will be our comfort and strength. we pray that ultimately,
whatever happens, You will be glorified through us. I pray this in Jesus’ name,
 amen.”

Nanay Angelita is my mother in law. Nanay ang tawag namin sa kanya. Bilang isang manugang ay hindi ko na feel sa kanya ang pagiging biyenan.  Kasi higit pa po doon ang naramdaman ko sa kanya. Naramdaman ko kanya ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang tunay na Ina. Sya ay isang mapagmahal, relihiyosa and maaalahanin sa amin lahat. Kaya nang nalaman ko yung balita ay sobra ang aking kalungkutan. 

Last two weeks ago ay dumadaing na sya sa pananakit sa tyan. Nang pina check-up sa doctor at na diagnosed na meron syang bukol sa liver. She was advised to have a CTscan to verify  kung ano ang status ng bukol na yun.

Medyo frustrating ang result, kaya pinabasa ng sweetheart ko at mga kapatid nya sa ibang Doctors for second opinion. One of the doctors advice to have another CTscan, with a specific instruction. Kasi kulang daw ang ni request doon sa unang scan. She recommended sa De Los Santos Hospital. According to her  the equipment is accurate and precise. Although it is costly but we have to do anything just for her.

For the meantime we are praying na maging negative ang result ng CTscan.

I request for your prayer para sa complete healing aking Mother in Law. I believe that walang imposible sa Panginoon.







Share/Bookmark







Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates