Can Of Hope For Those Affected By Supertyphoon Haiyan - Yolanda
What Drives Your Life? Purpose 3
- Many People are driven by Guilt
- Many People are driven by Resentment and Anger
- Many People are driven by Fear
- Many People are driven by Materialism
- Many People are driven by Need for APPROVAL
- Knowing your Purpose gives meaning to your life
- Knowing your purpose simplifies your life
- Knowing your purpose focuses your life
- Knowing your purpose motivates your life
- Knowing your purpose prepare you for Eternity
You , Lord give perfect peace to those who keep their firm and put their trust in you. Isaiah 26:3
The power of Lola Aurelia's love in a single image on FB - Repost
11/22/2011 | 07:14 PM
(Updated 7:59 p.m.) Images have the power to provoke thoughts, elicit emotions, and inspire actions, as what happened when undying love evokes the power to search for a missing loved one.
A single image can do all these and more — especially amplified through social media.
A viral black and white photo of an old woman waiting on the sidewalk and wearing a missing person printout pinned to the back of her dress led to a heart-warming reunion between Lola Aurelia Matias and her husband Lolo Luis late Tuesday, after the photo was shared over 53,760 times on the social network Facebook.
Lolo Luis, 78, had been missing for two weeks."
Read Full Story
What a great effort na ginawa ni lola. Ika nga until death we as part. According to TV Patrol ay natagpuan na daw si lolo. That is true love. God bless lola & lolo.
Sunday Gospel July 3 - Rest Your Weary
A Time for Everything
A Time for Everything
Ecclesiastes 3:1-8
1 There is a time for everything,
and a season for every activity under heaven:
2 a time to be born and a time to die,
a time to plant and a time to uproot,
3 a time to kill and a time to heal,
a time to tear down and a time to build,
4 a time to weep and a time to laugh,
a time to mourn and a time to dance,
5 a time to scatter stones and a time to gather them,
a time to embrace and a time to refrain,
6 a time to search and a time to give up,
a time to keep and a time to throw away,
7 a time to tear and a time to mend,
a time to be silent and a time to speak,
8 a time to love and a time to hate,
a time for war and a time for peace.
OFWs Voice Your VOte With Dignity in 2010 Election
This is a repost from Kablogs, entitled "Come Fellow OFW'S Vote With Us". Life Moto encourage you to vote with dignity. Select the right leaders that will uplift the life of every Filipino.
Here is the original post:
Kulungan na Walang Rehas Sa Gitnang Silangan

Nitong Abril 2009 ay dinayo ko ang (SA) dito sa Gitnang Silangan. Dito nadestino ang aking asawa matapos ang ilang taon na pagtatrabaho sa Bahrain. Kasama ko ang aking bunsong anak na si EJ noong mga panahong iyon. Inabot din kami ng isang buwang bakasyon para samahan ang aking asawa.
Habang naririto ako, unti-unti kong naramdaman ang buhay na masasabi kong ‘mahirap.’
Taong 1991, dinala kami ng aking asawa sa Bahrain kasama ang aming tatlong anak. Anim na taong gulang palang ang aming panganay, apat na taon ang pangalawa, at isang-taong gulang ang pangatlo. Doon na sila nag-aral mula ‘grade school’ hanggang hayskul. Doon ko na rin isinilang ang aming pang-apat na anak na si EJ.
Masasabi ko na ang buhay sa Bahrain ay napakagaan. Masaya lalo na kapag kasama mo ang pamilya at mga kapatiran. Sampung taon din kaming namalagi doon. Nang mag-kolehiyo na ang aming panganay at pangalawa ay napagdesisyunan naming mag-iina na sa Pilipinas nalang mamalagi. Noong mga panahong iyon ay nailipat ang aking asawa mula Bahrain patungong SA.
Naikumpara ko ang buhay sa Bahrain at estilo ng pamumuhay sa SA.
Sa Bahrain, ano mang oras ay pwede akong lumabas o mamasyal kasama ang aking mga anak. Dito sa SA ay hindi basta-basta pwedeng lumabas lalo na kung nag-iisa ka lang. Kailangan na palagi mong kasama ang iyong asawa at laging bitbit ang mga papeles bilang katibayan na ‘legal’ ang pag-aasawa niyo para sa ano mang biglaang pag-iinspeksyon.
Sa Bahrain ay pwede kang magsuot ng kahit anong ‘casual’ na damit. Dito sa SA ay kailangang naka- abaya ang mga babae tuwing lalabas.
Kung ikaw ay isang ‘dependent’, buong araw kang nasa loob lang ng bahay. Makakalabas ka lang kung dumating na ang iyong asawa. Minsan ay ‘di ka pa rin makalabas dahil mula sa trabaho ay pagod na rin ang iyong asawa kaya mas nanaisin pa niyang magpahinga.
Sa pangalawang pagbabalik ko sa SA nitong October 8, 2009 ay mag-isa nalang akong naglakbay at naiwan na ang aming bunso sa Pilipinas. Naramdaman ko ang kalungkutan na kailanma’y hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko… sa Bahrain man o maging sa Pilipinas.
May mga oras na sa aking pag-iisa (habang ako ay kumakain) ay bigla nalang akong napapaluha. Naaalala ko ang aking mga anak na naiwan ko sa Pilipinas. Sabi ko sa sarili ko, “Bakit ka umiiyak? ‘Di ba gusto mong samahan ang iyong asawa?”
Dito ko biglang naisip, “Paano pa kaya ang aking asawa noong mga panahong siya lang ang naririto sa SA… at nag-iisa?
Ipinadama sa akin ng Panginoon kung ano ang nararamdaman ng mga taong nakatira sa lugar na ito.
Nasabi ko tuloy sa sarili ko na kung ako nga na may Panginoon na tinatawag ay nakakaranas pa rin ng ganitong lungkot… paano pa kaya ang ating mga kababayang wala pang relasyon sa ating Panginoon?
Dito ko na naisip na mas mahirap ang kanilang kalagayan dahil marami sa kanila ang talagang hindi makalabas ng bahay… lalo na ang mga domestic helper. Kapag nakikita ko sila sa mall kasama ang kanilang mga amo, bakas sa kanilang mukha ang matinding pananabik tuwing nakakakita sila ng kababayan!
Lalong nagsikip ang dibdib ko nang makita ko sila… at sinabi ko sa aking sarili na mas mapalad pa rin ako dahil kasama ko ang asawa ko…
Kung gaano ako nalulungkot ay mas doble pa ang kanilang nararamdaman dahil ‘total strangers’ ang kanilang mga kasama sa bahay (mga locals dito sa lugar na ito). Masuwerte kung sila ay nakahanap ng mabait at maunawain na amo… pero paano nalang kung ang amo nila ay tulad ng mga sinasabi ng iba na malulupit at mapang-abuso? Naisip ko na ito na rin siguro ang dahilan kung bakit nawawala na sa sarili ang ilan… sanhi ng lungkot na hindi nila makayanan. (‘Wag naman pong mangyari ito sa akin… sa grasya ng Panginoon.)
Tanong ko… sa isip ko… “Paano na pala sila? Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Kumakain kaya sila ng tatlong beses sa isang araw?” Maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan. Paano ko sila maaabot o matutulungan? Biglang ipinaisip lang ng Panginoon sa akin ang manalangin at isama sila sa bawat panalangin ko habang ako’y naririto sa lupain ng mga taga-SA.
Sa araw-araw na lumipas ay unti-unting napapawi ang aking kalungkutan dahil sa dami ng aking dapat ipanalangin. Halos buong oras ko ay nabubuhos sa panalangin. Matapos nito ay magbubukas ako ng computer para mag-surf sa internet at bisitahin ang aking mga kaibigan sa facebook. Napakapalad ko pa rin talaga dahil kahit maghapon akong nakakulong sa bahay ay may ‘access’ pa rin ako sa mga mahal ko sa buhay, mga kapatiran, at mga kaibigang nasa iba’t-ibang sulok ng mundo. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanila, nae-express ko ang aking sarili.
Napakaimportante ang ‘constant communication’ dahil ito lang ang pwedeng gawin habang naririto ka sa ganitong lugar. Marami siguro sa atin ang may mga pamilya at kapatid sa Gitnang Silangan o kung saan mang panig ng mundo. Ito’y isang panawagan… na kung maari lamang ay gawin ninyong ‘regular’ ang pakikipag-usap o ugnayan sa kanila. Iba po talaga ang nararanasan kapag malayo sa pamilya.
Sa sobrang lungkot ko po dito ay nakagawa ako ng isang tula… na ibabahagi ko sa inyo. Ang pamagat ay, “Si Juan… ang Pinoy.”
Nawa po any maging halimbawa ang aking karanasan sa bawat isa sa inyo. Nakita ko po rito… na kung wala sa ating puso ang ating Panginoon… maaaring hindi ko ito makakayanan nang ako lang. Sa araw -araw ay Siya lang talaga ang aking kalakasan. Sa Kanya ako kumukuha ng karunungan upang gawin ang mga bagay na dapat kong gawin sa araw-araw. Purihin ang Panginoon dahil dito ko rin nailabas ang mga ibinigay Niyang talento sa akin.
Sa pamamagitan ng aking pagsusulat… ito’y nagsilbing paraan para makapag-encourage pa rin ako ng ibang tao… kahit na minsan ay ako mismo ang nangangailangan nito.
Dito ko rin naranasan ang maghintay… na ma-exercise ko ang paghihintay… tulad ng paghihintay natin sa pagdating ng ating Panginoon…
Wala tayong pwedeng sabihin na dahilan kung bakit ‘di natin nararanasan ang Kanyang kabutihan. Sa mga pagsubok… lahat ay ating makakayanan kung tayo ay magtitiwala lamang sa Kanya. Matuto tayong makinig at gawin ang mga ipinag-uutos Niya.
Masasabi kong nanaisin ko pa ring bumalik sa lugar na tulad nito kung ang kapalit naman ay walang hanggang pakikipag-ugnayan sa aking Diyos na Siyang nagbibigay ng lakas, aral, at kulay sa aking buhay.
Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang kabutihan ng ating Panginoon.
Sa mga taong may mga kamag-anak, asawa, o kaibigan na malayo sa inyo… hayaan ninyong maging pagpapala kayo sa kanila. Bigyan ninyo ng oras at panahon ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Isang sakripisyo na sa inyo ay inalay…
Nawa ay kapulutan n’yo ng aral ang aking mga naging karanasan habang ako’y naririto sa Gitnang Silangan sa SA.
.
Maraming salamat po sa inyong oras at panahon para sa pagbabasa’t pakikinig.
Happy New Year and Let There Be Peace on Earth 2010

Let there be Peace on Earth
Let there be peace on earth,
and let it begin with me.
Let there be peace on Earth,
the peace that was meant to be.
With God as our Father,
brothers all are we,
Let me walk with my brother,
in perfect harmony.
Let peace begin with me,
let this be the moment now.
With every step I take,
let this be my solemn vow,
To take each moment and live each moment
in peace, eternally.
Let there be Peace on Earth,
and let it begin with me.
Ang Diwa ng Pasko


Konting Trivia muna sa kapanganakan si Jesus (biblically) Mateo 1
18Ganito ang naging kapanganakan ni Jesucristo. Ang kaniyang inang si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19Si Jose na kaniyang asawa ay lalaking matuwid at hindi niya ginusto na mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang paalisin nang lihim si Maria.
20Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: Jose, ikaw na nagmula sa angkan ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa. Ito ay dahil ang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. 21Siya ay manganganak ng isang lalaki. Ang ipangangalan mo sa kaniya ay Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao sa kanilang kasalanan.
22Ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta. 23Sinabi nila: Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.
24Sa pagbangon ni Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ayon sa ipinag-utos sa kaniya ng anghel ng Panginoon. Tinanggap niya si Maria upang maging asawa. 25Hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki. Pinangalanan siya ni Jose na Jesus.
Ang Pagdating ng mga Pantas Mateo 2
1Pagkatapos na maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Juda, sa panahon ng paghahari ni Herodes, may dumating sa Jerusalem mula sa silangan, na mga lalaking pantas sa pag-aaral ng mga bituin. 2Sinabi nila: Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Ito ay sapagkat nakita namin ang kaniyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin siya.
3Nang marinig ni haring Herodes ang mga bagay na ito, naligalig siya at ang lahat ng mga tao sa Jerusalem. 4Tinipon niya ang lahat ng mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ng mga tao. Tinanong niya sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesiyas. 5Sinabi nila sa kaniya: Sa Bethlehem ng Judea sapagkat ganito ang isinulat ng propeta: 6Ikaw Bethlehem sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga gobernador ng Juda sapagkat mula sa iyo ay lalabas ang isang pinuno na siyang mamumuno sa aking bayang Israel.
7Nang magkagayon, tinawag ni Herodes nang palihim ang mga pantas na lalaki. Itinanong niyang mabuti sa kanila kung kailan nagpakita ang bituin. 8At pinapunta niya sila sa Bethlehem. Sinabi niya: Pumaroon kayo at matiyaga ninyong ipagtanong ang patungkol sa bata. Kapag natagpuan ninyo siya, balitaan ninyo ako upang makapunta rin ako at sambahin siya.
9Pagkarinig nila sa hari ay tumuloy na sila sa kanilang lakad. Narito, ang bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nanguna sa kanila. Nanguna ito sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng maliit na bata. 10Nang makita nila ang bituin, lubos silang nagalak. 11Nang sila ay nasa loob na ng bahay, nakita nila ang bata, kasama ang kaniyang inang si Maria. Sila ay nagpatirapa at sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan, naghandog sila sa kaniya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira. 12At nagbabala ang Diyos sa kanila sa isang panaginip na huwag na silang bumalik kay Herodes. Kaya sila ay nag-iba ng daan pauwi sa kanilang sariling lupain. source http://www.biblegateway.com
Hindi man eksaktong December 25 ang araw ng kapanganakan ng Panginoon Jesus. Ang mahalaga ay ang pagdating Nya para maligtas ang bawat isa.
Christmas is a time of; gift giving, noche buena, pag decorate ng mga Christmas ornament sa bahay, party all the way, pagsabit ng parol, pagkaroling, simbang gabi, pagkain ng masasarap na fiesta ham, puto at bibingka, pagkaroon ng bagong damit at sapatos.
Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko?
Peace - Ang kapayapaan ay magsisimula sa ating sarili.
Share - Kung paano natin natatanggap ang mga blessing ay marapat na ipamahagi natin.
Love - kalimutan ang ang mga adhiwaan at magmahalaan tayo. Katulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin.
Humility - si Jesus ay ipinanganak sa sabsaban. Dito ipinakikita ang kababaang loob na ating Panginoon.
Ilan lang yan sa mga diwa ng pasko. Dapat natin ipamuhay ang tunay na diwa, hindi lang sa pagsapit sa buwan ng December kundi sa buong taon. Sana araw-araw ay magiging Pasko lagi. Bukod sa materials, higit dito ay spiritual nating pamumuhay.
Kung His Hsin Nien bing Chu Shen Tan
Glaedelig Jul
Joyeux Noel
Selamat Hari Natal
Shinnen omedeto. Kurisumasu Omedeto
Maupay nga Pasko ngan Mainuswagon nga Bag-o nga Tu-ig
Sawadee Pee Mai
Merry Christmas!
Life Moto
life is worth living for...
5 Days Before Christmas - Advent

Advent sa Latin adventus, ang ibig sabihin ay "coming". Ito ang panahon ng paghahada ng Christian churches para sa pagdiriwang ng Nativity of Jesus sa Christmas. Ang Advent ay nagsisimula sa ika apat na linggo bago mag December 25.
Kadalasan ay kulay purple ang mga gayak sa simbahan. Sa altar naman ay mayroon ding 4 na kandila. Ang bawat isa ay sumasagisag sa isang Lingo. Sa iba naman ay may 3 purple at isang rose candle.
Read more about Advent
6 Days Before Christmas - Ang Star ng Pasko


Ang Star ay liwanag nagbibigay liwanag sa kadiliman ng gabi. Ito rin ang nagbigay ng gabay sa tatlong pantas para makarating sa kinaroroonan ng ating Panginoon Jesus.
Tuwing sumasapit ang kapaskuhan ay hindi nawawala sa ating tahanan at kapaligiran ang mga parol. Itoy nakakapagbigay ng liwanag at ligaya sa ating buhay. Dahil sa pagiging kretib at artistik ng Pinoy ay marami uri ng Parol ang ginagawa sa ating bansa. May Yari sa capiz, bamboo, plastic, coconut hush at kung anu ano.
Sa pag ilaw ng ating parol ay ating alalahanin ang Liwanag na binibigay sa atin ng Panginoon. Ang ilaw ng buhay bilang pag gabay sa tamang landas sa pang araw-arw ng pamumuhay.
Bro Ikaw ang Star ng Pasko - ABS-CBN Christmas Sation ID 2009
"I have come as Light into the world, so that everyone who
believes in Me will not remain in darkness. ...
John 12:46
Google Logo Discovery of Water on the Moon

Today's Google logo is to dedicate NASA (National Aeronautics and Space Administration) great discovery of Water on the Moon. NASA said Friday it had discovered water on the moon, opening "a new chapter" that could allow for the development of a lunar space station.
The discovery was announced by project scientist Anthony Colaprete at a midday news conference.
"I'm here today to tell you that indeed, yes, we found water. And we didn't find just a little bit; we found a significant amount" -- about a dozen, two-gallon bucketfuls, he said, holding up several white plastic containers.
Read more of the Water on Moon Discovery click here
Father & Son Amazing Ironman Race

Life Story of Dick & Rick Hoyt
The is very inspiring story of Dick Hoyt and his son Rick (a handicap). A son asked his father, "Dad, will you take part in a marathon with me?" The father who, despite having a heart condition, says 'Yes'. They went on to complete the marathon together. Father and son went on to join other marathons, the father always saying 'Yes' to his son's request of going through the race together. One day, the son asked his father, "Dad, let's join the Ironman together." To which, his father said 'Yes' too.
For your information Ironman is the toughest triathlon ever. The race encompasses three endurance events of a 2.4 mile (3.86 kilometer) ocean swim, followed by a 112 mile (180.2 kilometer) bike ride, and ending with a 26.2 mile (42.195 kilometer) marathon along the coast of the Big Island. Father and son went on to complete the race together.
Here is one of the testimonies in Hoyt site:
"Today, I watched a show called Amazing Families and saw your story. I just wanted to say 'thanks' to your whole family. I am very aware that it is because of people like yourselves, who fought before us to get acceptance in the real world, that our struggles are less. Yes, I do have to be vigilant and fight for my son to have what he needs, but because others have done it before us, it is easier. Now I can go into a school meeting and say, 'Zachary will go to college. Look at Rick Hoyt, he did it, and so will Zach.' You have helped me to affirm that anything is possible if you are willing to be creative and work hard..."
For your support and donation please visit Hoyt Team Website
http://www.teamhoyt.com/index.html
Philippians 4:13
Hotlines Numbers You Can Call - Storm Ondoy

A list of advisories government offices in connection with the aftermath of tropical storm Ondoy (international code name Ketsana). Important phone numbers and links.
For your help and donation please check this site: Ondoy Places to Donate
Phone numbers
Police Central Hotline 171
NCRPO Hotline
838-32-03
838-33-54
National Disaster Coordinating Council (NDCC)
911-14-06
734-2118
734-2120
Rizal PDCC
09153767070 and 09278400133
Red Cross
911-18-76
527-00-00
143
PAGASA
927-1541
Metro Manila Development Authority (MMDA)
136
896-6000
Meralco
631-1111
16211
0917-5592824
0920-9292824
Maynilad
1626
ABS-CBN HOTLINE
416-36-41
GMA Kapuso Hotline
981- 1950 to 59
SAGIP KAPAMILYA
413-2667 / 416-0387
Marikina 161
Taguig emergency hotline
1623
Bureau of Fire Protection, National Capital Region
729-5166
410-6254
413-8859
407-1230
Bureau of Fire Protection, Region III (Central Luzon)
Hotline (045) 9634376 Links
Manuel L. Quezon's blog: How to help (original on Quezon.ph | Tumblr.com mirror link)
Google Docs: Rescue InfoHub Central |
Google Maps: Ondoy situation map for Metro Manila, by KaninLamig (open for contributions on locations of
(Source ABS-CBN & GMATV)
Thank you to youtube member that shared the videos
Lipad ng Pangarap - "Bagong Bayani"
Friday morning while browsing imeem music, I come across with the song Lipad ng Pangarap by Garry Valenciano. I look up in youtube but found Dessa version. Tear almost fell down from my eyes. Many reasons why! Because: longing for my family, the pain of far from my love ones, the years that I loose with them and more. I thank the composer for giving life to the hardship & perseverance of millions OFW around the globe. I would like to share this song to my fellows OFW, EXPAT & our family. Where ever you are this song is for us!
Lipad ng Pangarap - Lyrics
Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
ang pangako ng walang hanggang bukas
pabaon man sayo'y hapdi ng puso
aabutin ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
pag-unlad nitong bayang nililiyag
kapalit ng dalamhati't paghihirap
pag angat ng kabuhayang marilag..
Chorus 1:
Liparin mo ang hangganan ng langit
sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
pangarap ng inang bayang tinatangi
tutularan ka ng sunod na salin-lahi
kapuri-puring pag-aalay ng lakas
napupugay sa makabagong bayani
ang buong bansa'y nagpapasalamat
Repeat Chorus 1:
Ingatan mo ang lipad ng pangarap
umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
na kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay...
ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay...
iyong tagumpay..
Thank for the video by TheRtistRoom ,youtube
The Writer's Prayer

Let us pray that we may be guided by our Lord the Almighty on every strokes of our fingers in our keyboard as we shape a literary composition before our eyes in our monitor, and before we click the "Publish" button in our window screen, let us contemplate on the simple prayer written by Sandy Tritt.
Ps:
May this prayer be a guide of each responsible writer. We have the freedom to express our thought. We have to consider also the right of others. Though we might be right in our opinion. But we have to know the fact. If it meant for some, don't generalize.
Let us bring joy and hope for our readers. Let us share Love and Peace for the wearies.
UNESCO Artist for Peace – Phil. Madrigal Singers
Minsan pa kinilala at binigyan ng parangal ang The University of the Philippines Madrigal Singer (UPMS), or Philippines Madrigal Singer (Madz) sa UNESCO bilang Tagapagpalaganap ng Mensahe ng Kapayapaan (Artist for Peace). Ang Ang Madrigal Singer ay binubuo ng isang major group na naka base sa University of the Philippines, Diliman Quezon City. Ang conductor at musical director ay si Mark Anthony Carpio. Sila ang kaunaunahang at natatagnging nakakuha ng dalawang beses sa European Grand Prix for Choral Singing , 1997 at 2007.
Isa ako sa mga libu-libong tagahanga ng Madz. Kaya kapag nakakakuha sila ng mga awards ay proud ako. Dahil dala-dala nila ang bandila ng ating bayan. Napakalaking karangalan na mabigyan ng isang award lalo na mula sa isang world body. Dalangin ko na sa kanilang mga musika ay mabigyan din ng kapayan ang bawat isa dito sa sariling bayan Pilipinas.
Para sa mga detalye ng Madrigal Singer ay bisitahin ang kanilang Madz official website. More power sa Madz.
Matthew 5:9
The Only Hope For The Philippines (Re-post)
1. A population of 160 Million; 2. Of those, 70 to 90 million (equivalent to our current population) will live below the poverty line; 3. Our national debt is estimated to be at US$200B (compared to US$28B when Marcos fled, and US$53B today); 4. We will be competing, not against Thailand or even Vietnam, but against Bangladesh; 5. We will be the most corrupt nation in Asia, if not in the world (we're already ranked 11th most corrupt nation by Transparency International) ...
The signs are clear. Our nation is headed towards an irreversible path of economic decline and moral decadence. It is not for lack of effort. We've seen many men and women of integrity in and out of government, NGOs, church groups & people's organization devote themselves to the task of nation-building, often times against insurmountable odds.
But not even two people's revolutions, bloodless as they may be, have made a dent in reversing this trend. At best, we have moved one step forward, but three steps backward.
We need a force far greater than our collective efforts, as a people, can ever hope to muster. It is time to move the battle to the spiritual realm.. It's time to claim GOD's promise of healing of the land for His people. It's time to gather GOD's people on its knees to pray for the economic recovery and moral reformation of our nation.
Is prayer really the answer? Before you dismiss this as just another rambling of a religious fanatic, I'd like you to consider some lessons we can glean from history.
England's ascendancy to world power was preceded by the Reformation, a spiritual revival fueled by intense prayers.
The early American settlers built the foundation that would make it the most powerful nation today - a strong faith in GOD and a disciplined prayer life. Throughout its history, and especially at its major turning points, waves of revival and prayer movement swept across the land.
In recent times, we see Korea as a nation experiencing revival and in the process producing the largest Christian church in the world today, led by Rev. Paul Yongi Cho. No wonder it has emerged as a strong nation when other economies around it are faltering.
Even from a purely secular viewpoint, it makes a lot of sense. For here there is genuine humbling & seeking of GOD through prayer, moral reformation necessarily follows. And this, in turn, will lead to general prosperity. YES, we believe prayer can make a difference. It's our only hope.
This is the kind of unity which can make a big difference. Of course, if you feel strongly, as I do, about the power of prayer, you can be more involved by starting your own prayer group or prayer center.
We have tried people power twice; in both cases, it fell short. Maybe it's time to try prayer power. GOD never fails. Is there hope? YES! We can rely on God's promise, but we have to do our part. If we humble ourselves and pray as a people, GOD will heal our land. By GOD's grace, we may yet see a better future for our children.
and seek My face, and turn from their wicked ways, then will I hear from Heaven,
and will forgive their sins, and will heal their land.'
(2 Chronicles 7:14).
Let's not just abandon the Philippines
“Ye Olde Pub” B-17 Flying Fortress
This is a true story, it is worth to read.
Look carefully at the B-17 and note how shot up it is - one engine dead, tail, horizontal stabilizer and nose shot up. It was ready to fall out of the sky. (This is a painting done by an artist from the description of both pilots many years later.) Then realize that there is a German ME-109 fighter flying next to it. Now read the story below. I think you'll be surprised.
Charlie Brown was a B-17 Flying Fortress pilot with the 379th Bomber Group at Kimbolton , England . His B-17 was called 'Ye Old Pub' and was in a terrible state, having been hit by flak and fighters. The compass was damaged and they were flying deeper over enemy territory instead of heading home to Kimbolton.
After flying the B-17 over an enemy airfield, a German pilot named Franz Steigler was ordered to take off and shoot down the B-17. When he got near the B-17, he could not believe his eyes. In his words, he 'had never seen a plane in such a bad state'. The tail and rear section was severely damaged, and the tail gunner wounded. The top gunner was all over the top of the fuselage. The nose was smashed and there were holes everywhere.
Despite having ammunition, Franz flew to the side of the B-17 and looked at Charlie Brown, the pilot. Brown was scared and struggling to control his damaged and blood-stained plane.
* BF-109 pilot Franz Stigler B-17 pilot Charlie Brown..*
Aware that they had no idea where they were going, Franz waved at Charlie to turn 180 degrees. Franz escorted and guided the stricken plane to, and slightly over, the North Sea towards England. He then saluted Charlie Brown and turned away, back to Europe. When Franz landed he told the CO that the plane had been shot down over the sea, and never told the truth to anybody. Charlie Brown and the remains of his crew told all at their briefing, but were ordered never to talk about it.
More than 40 years later, Charlie Brown wanted to find the Luftwaffe pilot who saved the crew. After years of research, Franz was found. He had never talked about the incident, not even at post-war reunions.
They met in the USA at a 379th Bomber Group reunion, together with 25 people who are alive now - all because Franz never fired his guns that day.
*(L-R) German Ace Franz Stigler, artist Ernie Boyett, and B-17 pilotCharlie Brown.*
When asked why he didn't shoot them down, Stigler later said, "I didn't have the heart to finish those brave men. I flew beside them for a long time. They were trying desperately to get home and I was going to let them do that. I could not have shot at them. It would have been the same as shooting at a man in a parachute."
Ref: Walt Carnes
OFW Na Si Pare
Pumasok siya bilang isang family driver. Hindi madali ang naging kalagayan nya. Twenty four hours duty . Minsan ay tumutulong pa sa pag DJ ng party sa anak ng amo nya. Hindi sya nakakakumpleto ng tulog kaya naman ay sinasamantala ang ang pagidlip sa sasakyan kahit na panandalian. Sa umaga naman ay tumutulong din sa paglilinis ng bakuran.
Paminsan minsan ay nakakagalitan sya ng mga amo nya, dahil na rin sa kumunikasyon. May mga time na hindi sila magkaintindihan. Masakit man sa kaloban nya na mapagsabihan ng mas nakakabata sa kanya ay tinitiis nya ito. Ganun pa man ay hindi nya rin pinalalampas. Pakumbaba rin nyang pinapaliwanag ang side nya.
Dalawang taon na lang at matatapos na ang panganay nya sa kursong Architechture. Kaya kahit na anu man hirap at sakit ng kalooban ay ginagawa nya para makatapos ang anak nya at matustus ang pangangailangan ng pamilya. Batid ni Pareng Rudy na walang magagawa ang gobyerno or pagtatrabaho nya sa Pilipinas upang suportahan ang family nya. Masayang masaya si pareng Rudy ng huli kami magkita dahil sa nag-iipon na lang sya para sa board exam ng kanyang panganay.
Maraming mga maliliit OFW na katulad ni pareng Rudy at Nanay Lydia. Sila daw po ang mga Makabagong Bayani (ayon sa gobyerno). Para sa akin ay tunay na bayani sila sa kani-kanilang pamilya. Ginagawa nila ang lahat ng paraan para lang maibigay sa family ang mga pangangailangan. Tunay na pera nga ang dahilan subalit ito’y mula sa puso.
Para kay Mr. Mike sana bago husgahan ang mga tulad naming mga OFW ay punahin nya kung ano ang magagawa nya sa tulad ni Pareng Rudy. Sana ay huwag na nyang dagdagan ang mga sakit ng kalooban ang mga manggagawang Pinoy, bagkus bigyan nya ng trabaho at pag-asa. Malilit na manggagawa man ay maituturing.
Sila pa rin ang mga “ Pagasa ng Bayan Handog Sa Mundo “.





