Dasal sa Halalan 2010
Panginoon,
Nahaharap kami ngayon sa isang sangandaan.
Taimtim kaming nagdarasal na kami'y iyong gabayan.
Kami nawa'y bigyan mo ng Liwanag ng Pag-iisip
para piliin ang isang pinunong
pagkakatiwalaan naming tunay.
Isang pinunong hindi nagpapaasa
kundi nagbibigay ng pag-asa.
Isang pinunong hindi nagmamarunon
kundi nakikinig sa tunay na adhika ng bayan.
Isang pinunong malinis at tapat,
hindi lasing sa kapangyarihan.
Gabayan mo kami, sa araw ng halalan
Sa harap ng aming balota
para piliin ang isang lider na hindi nangako
ng pabuya't kasinungalingan lamang.
Bigyan mo kami ng malinaw na kunsyensya
Upang unahin namin ang bayan
hindi ang sarili't sariling pamilya lamang.
Palawakin ang aming isip
nang maunawaan naming
and demokrasya ay hindi lamang halalan
kundi habang buhay na ipinaglalaban.
Iadya mo kami sa tukso ng panunuhol,
sa pangakong pansamantala't mapagsamantala.
At tanglawan mong maigi ang daan
sa pagbubuo namin ng isang
bagong kasaysayan.
Amen.
source pinoy power
1 comment:
Salamat sa dasal na ito at kahit papaano'y naging mapayapa ang halalan...
Post a Comment