Pag-gugunita sa Ika-71 Kaarawan ni Nanay

Pag-gugunita sa Ika-71 Kaarawan ni Nanay


Sa araw na ito ay ginugunita namin ang ika 71 karawan na mahal namin nanay.  Lubos kami nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa buhay na ibinigay kay nanay. Bagamat si Nanay ay kapiling na ni Lord ay parang naandyan lang sya sa aming tabi. Maraming bagay ang namimiss namin kay nanay. Sya ang taong na hindi nagsasawa na mahalin at aarugain ka. Ito ang unang kaarawan nya mula ng sya ay pumanaw.

Nakakamiss ang pagdadasal at pagbabasbas ni Nanay. Tuwing aalis kami ay nagdadasal si nanay at babasbasan kami. Pati na rin ang mga sa sasakyan na ming ginagamit or gagamitin.  Paggising sa umaga, sa hapon at bago matulog ay nagnunubena na si nanay. Sa araw ng pangilin ay hindi sya di makadalo. Pagdumarating ang mga problema ay lagi nya sinasabi ay magdasal kayo mga anak.  At pagmay karamdaman ka ay sasabihin nya na pagagalingin Nyo ako Panginoon.  Lagi nya ipinagkakatiwala ang aming mga buhay sa ating Panginoon Diyos.

Nakakamiss ang mga kwentuhan namin na walang patid. Tuwing araw ng Lingo ay nagpupunta kami sa kanila. Madalas ay nag-uupukan na kami at magkukuwentuhan.  Hanggang sa mauwi sa forty-one na laro. At matatapos ang araw namin sa mga storyahan.

Nakakamiss ang mga luto ni Nanay.  Mahilig pa magluto ng mga sinabawan si nanay. Tatawag na yan pag nakaluto na sya. Oh Jess pumunta kana dito sa bahay at luto na ang nilaga.  Mararap din ang luto nyang pakbet o di kaya ang bulanglang. Meron pa yan na maglalaga ng mga gulay at sasahugan ng inihaw na isda.  Kaya minsan kapag nag-ihaw kami ng bangus, after ng kainan ay maiiwan ang ulo.  Kinabukasan bibili na si nanay ng mga gulay na tulad ng talong at saluyot . Yun  sarap! Lalo na may konting bagoong isda.

Nakakamiss ang kanyang pag-aalaga at pag-aaruga.  Alam nyo bang kapag ang isa sa amin ang may sakit ay hindi mapapakali si nanay hanggat di sya nakakasiguro na maayos na ang lagay mo. Isa si nanay na mahilig na herbal medicine.  Naaalala ko pa nung maliit pa ang aking mga anak, si John & Angel, kapag may matigas na plema ay maghahanap na sya ng mga dahon ng oregano sa kapit bahay. Didikdikin ni Nanay ng dahon ng oregano. Yun katas nun ang ipapahid sa dila para maisuka ng bata ang matigas na plema. Yung bang tipo dito di makuha ng gamot.  Sa sakit ng ulo ng Sweetheart ko sya rin ang nakakginhawa.  Para bang may himala ang mga kamay ni nanay. O may haplos ng pagmamahal.

Nakakamiss ang pagpamamahal ni nanay. Lagi nya iniiisip ang kinabukasan namin.  Lubos siya nagagalak kapag na kakakuha ng magandag grades ang mga bata sa school.  Tuwang-tuwa naman sya kapag nakakasama ang mga apo sa top 10 or anuman kompitisyon. Di rin sya nawawala sa mga activities sa school.

Marami-Maraming salamat po Nanay sa buhay at pagmamahal na ibigay mo sa amin.  Batid namin na masaya ka na sa piling ng ating Poon Maykapal.

Mapagpalang Kaarawan sa Iyo Nanay!  Mahal Ka Namin!

Family that prays together, stays forever.....

Share/Bookmark


No comments:

Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates