Interview for Non TFC Subscriber

Interview for Non TFC Subscriber
Republish Letter!

My friend send me an email about an interview to one of our kababayan here in Middle East by DATANET Co. representative. The caller introduced himself as a researcher for non TFC (The Filipino Channel) subscriber. The scammer might not only using the TFC rather any of the well known company. I would like to thank Mr. Larry for allowing me to republish his email. In order to warn our kababayan around the world.


Here The email details:


ito ay nangyari na sa mga iba nating mga kababayang OFW na ito ay dapat natin pag-ingatan baka sa banding huli ito ay ating pagsisihan.

Kagabi lang po, pasado alas 6:30 ng hapon, dahil kagagaling lang sa trahabo at pagod. Sa aming pagpapahinga ay nag-ring ang celphone missis. Ako ang nakasagot. Nagpakilala ang caller na Overseas call daw.. cguro nga kasi walang pangalan, ang nakagay ay “CALL” lamang which is usually ganito ang caller name pag international call. Ang tawag ay para kay missis. Akala ko the call is from our family in Davao , but I realized tagalog na tagalog ang dating. Samantala ang mga kamag-anak ni missis ay from davao so dapat may tonong bisaya.


Binigay ko ang cell phone sa aking Sis. Wife. At nagpakilala ang callers na taga DATANET Co. daw. They are doing a research daw. They are conducting an Interview for OFW and take note, para lang sa mga Non-TFC Subscriber. My wife daw was referred from a friend who is a TFC subscriber at kilala pa naming yung tao. After the long hour interview,, confirmed nga na nireffer ni Weng si missis.

My wife use the speaker phone para marinig ko.

To make it short.. halos dalawang oras ang interview.. ang daming mga tanong. Kung ano ano. Status naming dito… kung anog trabaho… type ng aming accommodation… anong mga appliances,, mga gamit, pati computers… internet connection… mga show na pinapanood.. website na pinupuntahan.. sina mga ka-chat.. ano pinapanood sa You-tube... Anong sattelite TV ang gamit o cable... anong mga channels.. Signatured ba daw mga aming damit.. anong mga cellphones at anong kompanya ang among provider. Gumamagit bad aw ng signatured perfume. Ilang taong na sa Abroad… MAgkano ang ginagastos sa buwanan..

Napansin ko may mga isinisingit na tanong tungkol sa mga maseselang bagay.. Like your Full name, birthday,, credit card holder ka ba… may checking account ka ba, at savings account… Kung ikaw may Life insurance, SSS No. GSIS.. kung saan nagpapadala ng remittances. Sino ba in-charge o nagdedecide . ako bad aw o aking wife… Sino mga beneficiaries.. Which is sa mga tanong na ito.. I never allowed my wife to give the right information. He even asked how much our salary in total.. kung may stock daw kami sa bangko. Mga properties like house and lot at car sa pinas.

Pag napanpansin niyang boring ka na sa mga tanong niya… sisingitang ng ibang tanong like sino paboritong celebrities, or personalities.. mula sa mga shows kung ano ang paborito. Ano daw ang gusting gimikan. Pag – naaliw ka na uli sisingit na naman ang mga maseselang tanong. At napapansin kong may mga tanong na paulit-ulit na nde mo sinagot sa mga unang tanong... nagbabakasakali ba na mabanggit mo ang impormasyong nais niya.

Ang aking inaalala lamang ay nabanggit ni missis yung birthday niya at lastname niya. At aking name.

Halos dalawang oras ang tanungan… Naputol na nang sinabi ni missis, masyadon nang mahaba ang interview and she want to take rest na.

So bago nagpaalam yung caller, na nagpakilalang Ronald, tinanong kung saan dadalhin yung token sa pilipinas. Para i-deliver daw… Beforre wife answered the gut… I told her.. do not give him your Address in the Philippines .. So sinabi ni wife ko sa kanya.. Sa inyo nalang yong token.

At binaba na ang cell phone.

Ito pa ay babala sa ating lahat.. lalo na sa mga ginang ng tahanan. Na hinde po basta –basta magbibigay ng mga maseselang impormayon sa taong nde po natin kilala lalo sa cellphone call lamang… Dahil po sa nagyari kagabi kami po ay may pangamba at tumawag sa pilipinas ngayon para isecured ang gaming account sa pilipinas. Meron ba malas niya walang laman hehehe.

Isang pangamba ay, my wife is about to refund before end of this month yung Life Insurance niya dahil nagsarado ang Pacific Life Insurance.. At kami po ay nag-aalala kaya po kami tumawag sa pinas.

Ang ating teknolohiya ngayon ay masyado Nang advance at marami po ang mapgsamantala at Maradi ang naloloko sa pamamagitang ng pag-hack sa ating mga account sa bangko at iba pang puede nilang nakawin sa inyo.

Mind you! They do the interview very long but they dont spent a single penny,, they use technology for free calls. like google.

Marami pong salamat!

God Bless!

Larry Estaq
I.T. Consultant/Administrator
M. H. B Group
Dammam-KSA

4 comments:

The Pope said...

Thank you for posting this article, tulad mo nakatanggap din ako ng tawag sa cell phone pero naka-indicate lang sa screen ay "CALL", sa pag-aakala kong galing sa kamag-anak ko, I answer it. pero nagpakilala silang nagsasagawa sila ng survey at may nag-refer daw sa kanila kaya nila nakuha ang selpon number ko. then they told me that they want to conduct survey thru phone and asked me kung naka-subscribe ako sa GMA kapuso. Though we got both TFC and GMA at home, I don't feel giving information on phone, especially survey like that, napakaraming scams. So I told them na hindi ako nagbibigay ng mga informations sa phone at sa di ko kailala, survey should be made personally on a face to face basis.

Life Moto said...

Kaya dapat din nga na maging aware ang lahat kung sakaling meron ganitong incident na mangyari.
Thank you for sharing bro.

Anonymous said...

Salamat sa post. I should warn din my other friends regarding this scheme.

Life Moto said...

I hope isladenebz this will help our kababayan to be aware of such activities. have a nice day!

Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates