Educational Plan or Educational Lang
Hindi biro ang magpaaral sa panahong ito. Mas matindi pa kung sa pribadong school pumapasok ang mga anak mo. Marami sa atin ang nag-avail ng educational plan. Para makasiguro at maihanda ang magandang edukasyon ng mga anak pag dating ng nasa kolehiyo na sila. Paano kung ang inaasahan mong Educational Plan ay naglaho. Mabuti sa mga naunang plan holder ay napakinabangan na nila. Nakakalungkot isipin sa hirap ng buhay, tapos hindi pa maaasahan ang nakuhan plan.
Suno-sunod ang mga nagsarang: banko, insurance at educational company. At kailan lang ay meron nadagdag sa listahan na nagsarang kumpanya. Sanhi na rin ito ng global crisis. Kahit na anu pa man ang reasons, basta ang alam natin ay nagtiwala tayo sa mga kumpanyang ito dapat lang na maibalik ang ating pinaghirapan. Mahigit din sa 12,000 sa mga sundalo at pulis ay naging biktima din (abs-cbn news).
Sa mga taong can afford sa buhay ay di gaanong iniintindi ang issue na ito. Yun nga lang sayang ang perang pinagpaguran. Higit na naaapektuhan ang mga average at below income earner. Naghihigpit sila ng sinturon para lang makatabi ng panghulog sa educational plan na kinuha nila. Kung madelay ka naman sa paghulog ay meron pang penalty.
Natatawa nga ako doon sa balitang napanood ko. Instead of ibalik ang mga naihulog nila ay pinapalitan ng Memorial Lot or Beauty products. Dios ko po! Anu ba yan? Ang educational plan client ay nagmistulang beauty consultant. Kung pwede nga lang ipangbabayad ang mga yun sa tuition fee.
Ang hirap magtiwala sa mga Educational Plan ngayon. Kahit ang mga matatag at kilalang kompanya ay tinamaan din ng hagupit ng pagkalugi. Kaya nga’t ginagawa ang lahat ng paraan ng gobyerno upang mabantayan ang mga ganitong kompanya. Isa na dito ang SEC or Security and Exchange Commission.
Tanging magagwa ng mga plan holder ay mag-antay at bantayan ang mga pre need company. Ipagdasal sa Dios na mabigyan kalinawan sa mga inaasahang reimbursement. Sa mga nais naman mag avail ng educational plan ay pag aralan mabuti ang back ground ng kompanya. Magtanong sa mga kaibigan ng advice. Sana'y maging maingat po tayo bago mag avail.
16 comments:
haha, nagplaplano kami magasawa about niyan sa small baby namin, pero alam mo naisip namin, ibili na lang namin ng gold, after 15 years baka mas malaki pa ang itutubo, or realty kaya.
Nabiktima rin ako ng educational plan, ngayon hindi ko magamit para ibigay sa pamangkin kong nangangailangan. Dapat nga i-invest na lang ang pera sa ibang bagay gaya ng sinabi ni Mr.Thoughtskoto. Salamat pala sa pagdalaw at ini-add na rin kita sa blog ko :-)
Kenj - bro baka malaking kaha dyero na kailanganin mo sa gold mo :) but its advisable coz ung gold na nabili ko noong 1995 nisanla namin ng x3 ang price. sa realty siguro mas maganda kung makakuha ka sa commercial area.
Sardonyx - Salamat din sa add mo i will see you around. So what happen na po sa yung kinuhang plan?
kahit kelan ayokong magtiwala sa hindi ko kilalang plan..dami ng nagpupunta dito sa bahay...ang kukulit..araw araw kang tinatawagan para i-follow up yung application mo...ako kasi tanga bakit pa ko ng fill up ng form...hehehe
Mokong™ - correct ka dyan bro, kaya dapat suriin mabuti bago mag decide.
Nakakalungkot talagang isipin ang pagkalugi ng mga pre-need companies sa ating bansa, na higit na apektado ang mga pamilyang nagtiwala at naglagak ng pinagpagurang pera para sa kinabukasan ng kanilang mga anak,
Kung may mga dapat sisihin sa kanganapang ito ay ang mga opisyal ng SEC, Banko Sentral at ng ating Dept. of Justice kung saan hindi nagibyan ng nararapat na proteksyon ang mga plan holders ng mga naluging kumpanya.
The Pope - Correct ka dyan bro! ang masakit nga lang sa atin ay kung kailan nakalubog na ang mga nasabing company doon magpapapogi ang mga Poloticians natin. Para lang malibre sa media exposure. We hope na maging serious sila lalo na sa ganitong mga pre needs. have a nice day bro!
this situation really saddens me.
years ago, magsisimula sana ang mga pamangkin ko na mag-college. kampante naman ang lahat kahit medyo mahal ang tuition e ok lang dahil sa educational plan.
but sad to say, napostpone ng isang taon ang kanilang pagka-college dahil sa nagsarang pre-need company.
perang pinagpaguran at pinag-ipunan nauwi lang sa wala. hay buhay!
we can only hope that government could do something para di na maulit ang mga ganito.
----
BTW, this is a nice blog.
GreenPinas - let us hope na may gagawing action ang pamahalaan para hindi mabiktima ang ating mga plan holders.
Naku sa panahon ngayon, wala na talagang mapagkakatiwalaan na plan. Kahit malalaking kumpanya nalulugi rin e... Mas mainam pa yatang ilagak sa banko ang pera.. sa mga matatag na banko.
Ken - basta wag lang sosobra sa nainsured ng PDIC.
Hehehe :D Natapos kaming limang magkakapatid na walang educational plan...ganun din siguro gagawin ko sa 2 angels ko...magkaruon n lang ng siguradong investment at wag magtiwala sa mga educational plan na yan :)
Lord CM - well that is great magaling mag budget mother mo bro. better to divert to other investment.
Hindi rin natin cila masisisi dahil wala namang mga parents na di nagiicip ng future para sa mga anak sadya lang talgang may mga taong mapanlamang at mapagsamantala sa kapwa ang mahalaga eh yung makapag paaral ng maayos kahit walng educationalplan na yan..
hello, nice blog. how about visit my blogs http://rpillerin.blogspot.com or http://econnects2.net23.net
SEAQUEST said..." Hindi rin natin cila masisisi "
I agree with you. As parents we always want the best for our kids habang malakas pa ang kita natin. Sad to say the pre need we trust ay nawawala na ng tibay. but we have to pursue for our kid edu meron man o wala pre need.
Post a Comment