Ala-ala Ni Bayaw
Apat na taon na ang nakalipas, July 29, 2005, nang pumanaw si bayaw. Manuel V. Magalong ang tunay nyang pangalan. Nasa Riyadh ako noong panahon na yun. Isang hapon ay may dinaluhan akong birthday party. Malakas ang sound kaya hindi ko alintana ang tawag ng sweetheart ko sa aking cell phone. Pagkatingin ko sa aking mobile ay may 17 miss call ang nakaregistered. Bigla akong kinabahan at agad ko syang tinawagan. Umiiyak sya habang sinasabi sa akin ang malunkot na balita. " Wala na si Noel, inatake sya kanina." Sabi nya. Nabigla ako at wala halos akong masabi sa kanya, kundi ikomfort sya. Nais kong umuwi ng Pilipinas para makita ko ang kanyang labi sa huling pagkakataon. Subalit hindi ito nagmaterialize. Labis ang kalungkutan ang nadama ko sa mga sandaling iyon.
Walang kasing bait si bayaw. He is the best bayaw I ever have. Kasi nagiisa lang syang bayaw ko. Kahit minsan ay hindi nya akong tinawag na kuya. Nasanay sya natawagin akong Jess. Magkakasama kami sa choir noon nila ni misis, kaya barkada na ang tingin nya sa 'kin. Ganun pa man ay higit sa tunay na kapatid kung ako'y ituring nya. Andoon ang respeto nya sa akin. Concern sya kung meron akong mga personal na problema. Palagi nya sinasabi sa sweetheart ko na "Sana dito na lang si Jess". Kapag nagkakahuntaan kami ay nais nyang buhayin namin ang imprenta ni tatay. O di kaya kung anuman ang balak kong negosyo ay pagtutulungan namin. Basta bigyan ko lang sya ng panahon na makatapos sa iba nyang mga obligasyon. Natutuwa ako sa mga plano nya para sa amin mag-anak. Kasi nais nya magkakasama kami ng pamilya ko.
Minsan ay naging service crew sa Jollibee si bayaw, noong binata pa sya. Hindi ko malimutan kapag araw ng sahod ay meron na syang nakalaan na malaking Nido Powder Milk sa panganay namin ni misis. Halos ay 1/3 ng suweldo nya ang halaga ng gatas. Kasiyahan na nya na magbigay sa mga pamangkin nya.
Pagdumarating ang pasko at bagong taon gusto nyang magkakasama mag noche buena at buena noche. Meron na syang nakabalot na mga regalo sa buong pamilya at mga ina-anak nya. Sa paghihiwalay ng taon ay lagi syang may nakahandang kanyon at mga iba pag paputok. Ito ang nakakamiss kay bayaw.
Jolly person si bayaw. Napakadown to earth nya. Lately ko lang nalaman kay misis na tuwing pasko ay nagbibigay sya ng isang sakong bigas sa simbahan. Mapagmahal sa mga pamangkin. Minsan ay nasubo sa isang gusot ang pamankin nya. Labis syang nag aalala. Hindi sya mapakali hanggat hindi ito na reresolve. Proud din sya sa kanila kapag matataas ang mga marka sa school.
Kahit na nag-asawa na sya ay hindi pa rin nagsawa sa pagtulong sa mga kapatid at magulang. Kaya tunay na pinagpapala si bayaw.
Isa syang mabuting asawa at ama. He is a good provider, a caring and loving father. Madalas nga nila sinasabi na napakaswerte ng kanyang asawa at nagkaroon sya ng husband na katulad ni bayaw. Which is true!
Nakapagpatayo sya ng three story na bahay and fully furnished pa ito. Minsan na ako ay nagbakasyon ay masaya nya akong na tour sa bahay nya. Nakabili rin sya ng 3 sasakyan na pampasada. Naihanda rin nya ang education plan ng mga anak. Everything is well planned. Sa maiksing panahanon ay naisa ayos nya ang kanilang kabuhayan.
Kung gaano kabilis ng kanynang pahahanda ay sya rin kabilis ng kanyang pananatili sa mundong ito. Minsan tuloy naiisip ko na mahirap din pala ang maging mabait. Kasi maagang kinukuha ni Lord. Masakit man isipin sa maagang pagkawala ni bayaw. Dios lang ang nakakabatid kung anuman tunay na dahilan. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na kahit sandali lang kami nagkasama ay nadama ko sa kanya ang pagmamahal na isang tunay na kapatid. At kahit minsan ay wala akong sumbat na narinig sa kanya. I believe na maligaya sya ngayon sa piling ng ating Panginoon.
Life is so short. Gamitin natin ng tama at mahusay ang hiram na buhay. Ipakita mo ang yung pagmamahal sa yung mahal sa buhay. Say I love you to them. Show them how much you care. Dahil ang bukas ay hindi natin alam kung ito ay darating pa. Make the best of each day in our life.
Para sa alala ni bayaw. Lagi ka nasa puso namin!
10 comments:
Kasama ng Panginoon, maligaya na ang namayapa mong bayaw. Bagama't naging maikli ang panahon na naigugol nya sa ating kasalukuyang mundong ginagalawan, naging makabuluhan naman ito sa puso ng mga nakasama nya nuong sya ay nabubuhay pa.
Tama ka, maikli ang buhay ng tao, gamitin natin ito ng wasto, iapadama natin ang pag-ibig ni Kristo sa ating kapwa, sa ating kaibigan, kapamilya at kababayan.
salamat bro sa magandang comento mo. btw happy 19 years bro! God bless po!
Nasaan man si Manuel ngayon, alam kong masaya sya.
Nawa'y mamana ng kanyang mga anak ang adhikain ng kanilang ama. Nawa'y kasama sa paghahanda ni manuel ng kinabukasan ng anak ang paghubog sa mga ito bilang maging mabubuting tao.
Nawa'y patuloy ninyong buhayin ang ala-ala ni manuel sa isipan at puso ng kanyang mga naiwan. isa syang mabuting halimbawa. :)
Bro, ganun ata talaga ang buhay. Kaya nga hanggat buhay pa ang mga mahal natin sa buhay ay pag ukulan na natin sila ng pansin, pagmamamahal. Yung nakikita,nayayakap at sinasabi. Ganda ng post ko Bro.
A-Z-E-L *** Thank you sa comment. Medyo maliit pa ang mga bata ng mawala ang ama. I am sure that his good deeds will be inherited by the kids.
truly his memory will live in our heart.
fatherlyours - salamat bro. sabi nga nila aanihin mo pa daw ang damo kapag wala na kabayo.
Habang nahahawakan at naririnig pa tayo ay dapt ipadama natin ang ating pagmamahal sa kanila.
Tama ka Life is too short! kaya nga hanggat nandyan pa ang mga taong minamahal mo, ipakita mo sa kanila ito sa kilos at salita. Hindi natin alam kung kelan matatapos ang buhay, kaya maiging gawin ang lahat para walang pagsisihan sa huli
Ingat
Drake
DRAKE - Thank you bro. oo nga hangat may panahon pa ay gawin natin ang tama. mahirap na magsisi sa bandang huli. na kadalasan nangyayari. kahit na anu man ang sabihin at gawin nila ay di na maririnig at mararamdaman nun.
Condolences, Jess.
I can sense your pride in knowing Manuel as a friend and as a bayaw.
May mga dahilan ang lahat ng pangyayari.
My prayers go to you and to Manuel's family.
isladenebz - i really to have him as my friend and bayaw. I believe that God has his own plan. Kaya trust na lang sa kanya.
Thank you for your prayer bro!
Post a Comment