Single Mother & An OFW
Clip from Movie Anak by: Vilma Santos
I want to share a short story about Nanay Lydia. Last December 2008 ay nakasabay ko sya sa eroplano pauwi ng Pilipinas. Ilang oras na lang at darating na kami sa NAIA. Nagkakuwentuhan kami tungkol sa kanyang trabaho at pamilyaIsang teacher by profession sa Ilo-ilo si nanay Lydia. Maliliit pa lang ang kanyang mga anak nang sya ay naging biyuda. Subalit hindi ito naging hadlang para di nya maitaguyod ang kanyang mga anak. Dahil sa kakulangan ng pera ay napilitan nyang iwanan sa kanyang mga kapatid ang mga ana. At sya ay nagtrabaho sa Saudi Arabia bilang isang domenstic helper.
Mahigit na ring sampong taon sya naninilbihan sa isang Labanese family. Malaki ang pasasalamat nya sa Dios at naging mabuti ang treatment sa kanya. Itinuturing na siya na isang kapamilya at kapuso. Sa kanya na nagdalaga ang mga anak ng kanyang employer. Nagugustuhan din nila ang luto ni Nanay, lalo na ang adobong manok at pansit.
Out of my curiousity ay naitanong ko kay nanay kung hindi ba sya nag karoon ng ka relation dito sa Saudi. Napangiti sya sa akin at taas noo nyang sinagot ang tanong ko. Maligaya na ako na sa piling ng mga anak ko. Gagawin ko ang lahat para sila ay buhayin. Pinili ko ang lumayo sa kanila para bigyan sila ng magandang buhay. Nanalig ako na hindi sila pababayaan ng Dios.
Hindi nya binigyan ng puwang ang tawag ng laman at puso. Nalulungkot lang si nanay at hindi nya napalaki ang sarili nyang mga anak. Masmahaba pa ang panahon na ginugol nya sa anak ng amo nya. Dahil dito ay ayaw na syang payagan mag resign at napamahal na sya sa kanila. At naging payo ng kanyang Mada'm na mag apply ang anak nya sa kumpanya ng kanyang mister.
Na impress po ako sa naging pahayag ni Nanay. Alam ko na marami ang katulad ni Nanay Lydia sa iba't-ibang panik ng mundo. Respeto sa sarili at pananalig sa Dios ang naging sandata para sa pakikibaka sa buhay. Lalung-lalo na para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Bilang pagpupugay sa lahat ng Single at working mothers na OFW ay isang Maligayang at mapagpalang Mother's day po sa inyong lahat.
8 comments:
Maganda ang kwento, at naiyak ako sa video.
Maraming ina sa mundo na puro sakripisyo ang sarili, para lang sa mga anak; isa na ako don!
sus, gusto ko na sila mag sipag asawa, ayaw pa nila!
Sinabi mo pa Francesca, the momemnt na nag emote na si ati Vi ay halos tumulo na ang mga luha ko.
"sus, gusto ko na sila mag sipag asawa, ayaw pa nila!" Ganun :) ganyan ka close ang family ties ng mga Pinoy.
Have a nice day!
Great post jessie, I have high respect to single moms, hindi matatawaran ang kanilang ginagawang sakripisyo sa buhay...
Thanks for sharing Ate Vis' movie clip of anak, its really worth watching.
Another kudos to you my friend. Life is beautiful.
Thank you bro,Pope, sa insight. I hope this clip will serve as an encouragement to all of the mothers and children of ofw.
Bravo!
For this post. For Anak, the movie. And most especially for Aling Lydia and all the mothers in the world -- single, working, at home or abroad!
Itinataas ko ang aking kamay para sa mga nanay sa buong mundo. Most especially sa mga OFW moms.
isladenebz - surely walang kahalintulad ang mga sacrifices na tinitiis nila. Saludo po sa inyong pagsisikap.
Have a nice weekend !
One the best Star Cinema movie...napanood ko na yan dati pa..at dahil sa post mo..binabalak kong maghanap ng dvd nyan...
Add kita sa blogroll ko..dahil nakita ko nakalink ako sa blog mo..tnx pare...
Salamat bro for dropping by see around.
Post a Comment