Education Ang Aking Investment!

Education Ang Aking Investment!


Minsan ay may nagtanong sa akin. Sir matagal na po ba kayo dito sa Saudi? Oo, may 10 years na rin. Eh di malaki na po ang naipon nyo?  Ah oo. Malaki na rin ang aking investment. Wala nga lang sa bahay at lupain.  Ang aming investment ay education ng mga bata.

Di lingid sa iba na hindi na tulad sa dating mga nag Sasaudi ay hirap na rin kumita ng malaki dito. Noong araw,  ang pera daw ay parang  pinapala't pinipiko. Kaya't kapag may umuuwi na Saudi boys ay parang may hepa. Dahil sa dami ng alahas sa katawan. Paano ba naman marunong na rin magtipid ang mga Arabo. Imbis na tumataas ang sahod mo dito ay minsan ay bumababa pa. Sa kadahilanan na nagbabawas ng sahod, tumataas ang bilihin at bumababa ang palitan ng Riyals sa Piso. Matatag na daw ang ating economy.

Isa sa aking pasasalamat sa Diyos na meroon akong isang butihing asawa na masinop, matiyaga at matiisin sa buhay namin.  At pasalamat ko rin sa Panginoon dahil magsipag mag-aral ang aking mga anak. Kaya lalo akong nagtitiis at nagsisikap para sa kanilang kinabukasan. Sa ngayon ay iyon lang ang aking maipapamana sa kanila, ang aking investment sa Edukasyon.



Salamat sa Diyos sa mga blessing na dumarating sa buhay namin.



Share/Bookmark


No comments:

Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates