Sunday Gospel "The Visit of the Wise Men" January 8, 2012

Sunday Gospel "The Visit of the Wise Men" January 8, 2012



The Visit of the Wise Men  Matthew 2:1-12

In the time of King Herod, after Jesus was borf in Bethlehem of Judea, wise men from the East came to Jerusalem, asking, ‘Where is the child who has been born king of the Jews? For we observed his star at its rising, and have come to pay him homage.’ When King Herod heard this, he was frightened, and all Jerusalem with him; and calling together all the chief priests and scribes of the people, he inquired of them where the Messiah was to be born. They told him, ‘In Bethlehem of Judea; for so it has been written by the prophet: “And you, Bethlehem, in the land of Judah, are by no means least among the rulers of Judah; for from you shall come a ruler who is to shepherd my people Israel.” ’ Then Herod secretly called for the wise men and learned from them the exact time when the star had appeared. Then he sent them to Bethlehem, saying, ‘Go and search diligently for the child; and when you have found him, bring me word so that I may also go and pay him homage.’ When they had heard the king, they set out; and there, ahead of them, went the star that they had seen at its rising, until it stopped over the place where the child was. When they saw that the star had stopped, they were overwhelmed with joy. On entering the house, they saw the child with Mary his mother; and they knelt down and paid him homage. Then, opening their treasure-chests, they offered him gifts of gold, frankincense, and myrrh. And having been warned in a dream not to return to Herod, they left for their own country by another road.


Ebanghelyo 

Ang Pagdalaw kay Jesus  (Gospel) Mateo 2:1-12 


 1 Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. Nang siya'y isilang, may mga matatalinong taong mula pa sa silangan ang dumating sa Jerusalem. 2 Nagtanungtanong sila, "Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin." 3 Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. 4 Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong, "Saan ba isisilang ang Cristo?" 5 Tumugon sila, "Sa Bethlehem po, sapagkat ganito po ang isinulat ng propeta: 6 'At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.'" 7 Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. 8 Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, "Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya." 9-10 Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy na sa paghahanap; sila'y pinangunahan ng bituing nakita nila mula sa silangan. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata. 11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira. 12 Nang sila'y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.

Share/Bookmark


1 comment:

the story of bindas persons said...

Nice description. When you are going to publish the next part?

Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates