I Love You Dad!

I Love You Dad!

Kailan mo huling nasabi sa father na "I Love you to your Dad!"? My father was an OFW. Sa aking murang isip ay naroroon ang aking kasabikan sa kanyang pagdating mula sa ibang bansa. Madalas kong sabihin sa sarili ko na " Sana ay dumating na ang papa ko, na mimiss ko na sya." Kapag naandyan sya ay parang meroon barrier sa amin. Marahil ay narin sa age gap, conservative, sa kanyang trabaho or parehong kami lalaki. Sa mga sulat ko lang naiparating sa kanya ang mga salitang " I love you pa!"



Ng dumating ang kanyang retirement ako naman ang umalis. Naaalala ko nang huling kami nagkita, bago ako bumalik ng Saudi, pakiramdam ko ay meron syang gustong ipahiwatig sa akin. Noong umaga na pag alis ko tinapik nya ako sa balikat at nagpaalam na kami sa isat-isa. Sa mga sandaling iyon ay nakadama ko ng punong-puno ng pagmamahal sa amin dalawa. Gustong -gusto ko syang yakapin sa mga sandaling iyon. Sayang at hindi ko nagawa yun, dahil iyon na pala ang huli naming pagkikita.

Nagtrigger ang kanyang biabetis pagkalipas ng ilang buwan . Medyo lumubha ang kanyang kondisyon dahil na rin sa komplikasyon. Kaya nga't labas pasok sya sa hospital. Nang hihinayang ako kasi hindi ko man lang naalagaan si ama.

Ganun pa man ay nagpapasalamat ako kay Lord. Kasi ipagkalooban Nya ako ng isang mabuting maybahay at mga anak. Sila ang naging Super Proxy ko. Walang sawa na inalagaan ng Sweetheart ko si ama. Inaalalayan naman ni John at Angel ang kanilang lolo. Si Angel madalas din nya sinusubuan ang lola nya.Blessed po ako sa mag-iina ko dahil sila ang gumagawa ng mga trabaho na dapat ay ako ang gumagawa.

May mga insidente sa hospital na pumukaw sa puso ko. Minsan ay parang nawala ng konti ng ulirat si ama. Tinanong ng kapatid ko " Pa kilala nyo po ako, sino ako?" "Oo, si Jesus" sagot nya. Jesus kasi ang tawag nila sa akin. Umabot sa punto na hopeless na ang kanyang kondisyon. Muli siya tinanong ng kapatid ko kung pauuwiin na si Kuya. " Huwag na kawawa naman si Jesus" sa naghahabol nyang hiningang sagot.

Nang naikuwento ng aking Sweetheart ay halos maiyak ako. "Mahal pa rin pala ako ng papa ko" sabi ko sa kanya. Sa mga oras na yun ang balisang balisa ako. Kulang na lang na liparin ko ang Pinas. Nais ko mayakap si ama sa mga sandaling iyon at ipadama sa kanya ang aking pagmamahal. Kahit man lang sa huling oras ng kanyang pagtatakip silim. Kaya ipinaubaya ko na po sa kamay ng ating mahal na Panginoon ang buhay ni ama. Nakauwi ako ng Pinas at sya ay wala na.

Nagpapasalamat ako kay Lord na nagkaroon ako ng isang ama na katulad nya. Naging good provider saya sa amin. Hindi man kami naging showy at vocal ni ama, dahil siguro parehong kami Taurus. Ng mga panahon na yun ay naramdaman ko ang pagmamahal ni ama. Nawala ang mga barriers na nammagitan sa amin. Though miles we are apart but deep in my heart I believe na mahal nya kami.

I want to share this story to all fathers and sons around the earth. Huwag natin sayangin ang mga panahon na dumaan na hindi natin naipakita ang pagmamahal sa isa't isa. Hindi kabawasan ng ating pagkamacho ang maging showy sa ating ama or anak. Hawiin natin ang mga boundaries na namamagitan sa atin. What matter most is precious every moment while they are around.

I praise the Lord to have a wonderful father like him. Wala na ako masasabi pa sa kanya kundi:

Happy Birthday Pa!

&
I love you!


4 comments:

The Pope said...

Happy Birthday to your departed father, I am definitely sure that he is now with the Lord and must he very proud of you, for you have followed his footsteps as an OFW, a responsible father to your children and a loving husband. Purihin ka Jessie.

Jessie said...

Thank you Pope sa magandang mensahe. Praise God at patuloy ang pag gabay Nya sa aming mag-anak kahit na malayo kami sa isa't isa.

God bless bro and have a nice day!

Bro. Francis said...

Naiinggit ako sa iyo dahil ang tatay ko ay malayo sa amin. Ngayon ang tatay mo ay lagign nasa saiyo kapatid. What a wonderful post!

Life Moto said...

Salamat francis, yun nga lang ang masakit bro kung kailan na wala na sya doon mo pa lng nararamdaman ang presence nya.
Kaya habang physically kasama pa natin ang ating mga father make the best out of it.
Good day bro. nice to hear from you!

Followers

Follow lifemoto on Twitter Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Entredropper Drop2Top: Original design by Talk2myCPA
Original design by Talk2myCPA
Personal - Top Blogs Philippines Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Page Rank home Blogs - Blog Catalog Blog Directory TatakExpat.com: News, info, Guides, Mga patnubay para sa mga overseas Filipinos

wibiya widget

 
Home | Motto | Blog Links | Live TV| About Us | Phil News

Copyright © 2009 Life Moto |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates