Sunday Gospel September 4 "Parable of the Tenents in the Vineyard " October 2, 2011
Matthew 21:33-43
The Parable of the Wicked Tenants
‘Listen to another parable. There was a landowner who planted a vineyard, put a fence around it, dug a wine press in it, and built a watch-tower. Then he leased it to tenants and went to another country. When the harvest time had come, he sent his slaves to the tenants to collect his produce. But the tenants seized his slaves and beat one, killed another, and stoned another. Again he sent other slaves, more than the first; and they treated them in the same way. Finally he sent his son to them, saying, “They will respect my son.” But when the tenants saw the son, they said to themselves, “This is the heir; come, let us kill him and get his inheritance.” So they seized him, threw him out of the vineyard, and killed him. Now when the owner of the vineyard comes, what will he do to those tenants?’ They said to him, ‘He will put those wretches to a miserable death, and lease the vineyard to other tenants who will give him the produce at the harvest time.’
Jesus said to them, ‘Have you never read in the scriptures:
“The stone that the builders rejected
has become the cornerstone;
this was the Lord’s doing,
and it is amazing in our eyes”?
Therefore I tell you, the kingdom of God will be taken away from you and given to a people that produces the fruits of the kingdom.
Ebanghelyo
Mateo 21: 33-43
Ang Talinhaga Tungkol sa Ubasan at mga Katiwala
33 "Pakinggan ninyo ang isa pang talinhaga," sabi ni Jesus. "May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Binakuran niya ang ubasan, nilagyan ng pisaan, at tinayuan ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, ang ubasan ay kanyang pinaalagaan sa mga katiwala at siya'y nagpunta sa ibang lupain. 34 Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga tauhan upang kunin sa mga katiwala ang kanyang kaparte. 35 Ngunit sinunggaban ng mga katiwala ang mga tauhan; binugbog nila ang isa$ pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. 36 Pinapunta uli ng may-ari ang mas marami pang tauhan ngunit ganoon din ang ginawa ng mga katiwala sa mga ito. 37 Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. Sabi niya sa sarili, 'Marahil nama'y igagalang nila ang aking anak.' 38 Ngunit nang makita ng mga katiwala ang anak, sila'y nag-usap-usap, 'Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin siya upang mapasaatin ang kanyang mamanahin.' 39 Kaya't siya'y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay."
40 At tinanong sila ni Jesus, "Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga taong iyon?" 41 Sumagot sila, "Lilipulin niya ang mga masasamang iyon at paaalagaan ang ubasan sa ibang katiwala na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas."
42 Nagpatuloy si Jesus, "Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?
'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong-panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!'
43 "Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong tapat na maglilingkod sa kanya.