Ang awiting "Handog ng Pilipino sa Mundo" ay kinompos noong Abril 1986 para alalahanin ang EDSA Revolution or People Power Revolution noong February sa taong din yun. Kailangan pa ba ng isa pang Jose Rizal, Ninoy Aquino at marami pang individual na nag buwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas? Kailangan sama sama ang ating adhikain para sa kaunlaran at kalayaan. Sana matuto tayo sa ating mga nakalipas na karanasaan.
Happy Independence Day sa Lahat ng Pilipino sa buong mundo!
The lyrics of the song:
"Handog ng Pilipino sa Mundo"
Composed by Jim Paredes of APO
Sung by Various Artists
'Di na 'ko papayag mawala ka muli.
'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.
Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man 'di na paalipin.
Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.
Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.
Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)
Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat!
This video by (pilipinasmabuhay100) is to commemorate "Araw ng mga Bayani" in honor of the heroes, who offered their lives for our Nation's total freedom.
8 comments:
Wow pare... nakakatayo ng balahibo while reliving and reminiscing the victory we all had during those dark ages.
Thanks for the post. Honestly, I was teary-eyed listening to the song and it makes me proud to be a Filipino!
Happy Independence day from the desert.
that was a great part of the country's history, but unfortunately the question is where are now? We were inspired by the victory of EDSA 1 but what happened?....
are we going somewhere?
just a thought... hehehe
Ayos!!!Elementary pa lang ako nyan pero natatandaan ko pa :D ...
Kaso, hanggang ngayon parang wala pa ring nagbago...
The EDSA Revolution is a reminder that Filipino has the capacity to unite and revolt against a dictator. We may be an sleeping giant, but deep in our hearts lies a seed of patriotism, an ember of love to our country, with the smallest spark it could once again ignite a revolution to protect our freedom against any oppression.
Masyadong mahaba lang talaga ang pasensya ng Pilipino, matiisin at mapagpatawad, kaya tayo sinasamantala ng mga politikong ganid sa kapangyarihan at kayamanan.
Will there be another EDSA, I say yes, it may be today, tomorrow, but definitely there will be another awakening.
sarap balikan ang panahon na nagkakaisa tayong mga pinoy...
madalas ko din kantahin yan nung bata pa ako (grade 1)... saka yung isang kanta na pang-EDSA din...yan ang MTV na maladas kong inaabangan sa lahat ng channel...
Desert Aquaforce - its a tears of joy of being a filipino.
Rhodey - EDSA 1 is truly inspiring kaya lang ay till now ay parang nawala na ang diwa ng Edsa.
The Pope - ang masakit lang bro ay parang gasgas na ang Edsa, dahil sa mga personal na motibo ng mga namumuno. sana ay kung maulit pa ito ay maging meaningful at pang bayan.
Mokong™ - the other one is Magkaisa. actually dalwa silang pinagpipilian ko. i hope na sa muling pagkakaisa ng pilipino ay maging matagumpay ang ating adhikain.
Tumatanda na pala ako, nasa high school ako nang magkaron ng People Power hehehe and I still remember that song, naglakad pa kami papuntang Malacanang from EDSA Cubao Feb. 25, 1986 naks tandang tanda ko pa hehehe. Salamat sa pagpapaalala ng Araw ng ating Kalayaan.
Sardonyx di kapa tumatanda you still have a very good memory. Sana ganyan din ang mga taong ipinaglaban natin sa Edsa, magkaroon din ng matalas na memory.
Post a Comment