Isang araw ay dumating si mang Rudy sa villa namin. Kumpare sya ng kasama ko sa trabaho. Kaya pati ako ay Pare na rin ang tawag ko. Si pareng Rudy ay bagong salta sa Saudi Arabia. May katandaan na rin na sya. Nagalak nga sya at nagkita sila. Higit sa lahat ay nagpapasalamat sya sa Dios at nakarating sya dito sa Saudi. Kinulang sya sa pang matrikula ng kanyang anak sa kolehiyo kaya napilitang mag abroad kahit na higit fifty years old na.
Pumasok siya bilang isang family driver. Hindi madali ang naging kalagayan nya. Twenty four hours duty . Minsan ay tumutulong pa sa pag DJ ng party sa anak ng amo nya. Hindi sya nakakakumpleto ng tulog kaya naman ay sinasamantala ang ang pagidlip sa sasakyan kahit na panandalian. Sa umaga naman ay tumutulong din sa paglilinis ng bakuran.
Paminsan minsan ay nakakagalitan sya ng mga amo nya, dahil na rin sa kumunikasyon. May mga time na hindi sila magkaintindihan. Masakit man sa kaloban nya na mapagsabihan ng mas nakakabata sa kanya ay tinitiis nya ito. Ganun pa man ay hindi nya rin pinalalampas. Pakumbaba rin nyang pinapaliwanag ang side nya.
Dalawang taon na lang at matatapos na ang panganay nya sa kursong Architechture. Kaya kahit na anu man hirap at sakit ng kalooban ay ginagawa nya para makatapos ang anak nya at matustus ang pangangailangan ng pamilya. Batid ni Pareng Rudy na walang magagawa ang gobyerno or pagtatrabaho nya sa Pilipinas upang suportahan ang family nya. Masayang masaya si pareng Rudy ng huli kami magkita dahil sa nag-iipon na lang sya para sa board exam ng kanyang panganay.
Maraming mga maliliit OFW na katulad ni pareng Rudy at Nanay Lydia. Sila daw po ang mga Makabagong Bayani (ayon sa gobyerno). Para sa akin ay tunay na bayani sila sa kani-kanilang pamilya. Ginagawa nila ang lahat ng paraan para lang maibigay sa family ang mga pangangailangan. Tunay na pera nga ang dahilan subalit ito’y mula sa puso.
Para kay Mr. Mike sana bago husgahan ang mga tulad naming mga OFW ay punahin nya kung ano ang magagawa nya sa tulad ni Pareng Rudy. Sana ay huwag na nyang dagdagan ang mga sakit ng kalooban ang mga manggagawang Pinoy, bagkus bigyan nya ng trabaho at pag-asa. Malilit na manggagawa man ay maituturing.
Sila pa rin ang mga “ Pagasa ng Bayan Handog Sa Mundo “.
SAMA-SAMANG NAGPUPURI
6 years ago
1 comment:
enjoy ako magbasa sa blog mo parekoy. add kita sa blogroll ko ah, salamat!
Post a Comment