Babang Luksa Ni Nanay
Bukas ay gaganapin ng aking may bahay at ang kanilang pamilya ang babang luksa ni Nanay. Halos mag-iisang taon na rin ng pumanaw si Nanay. Sa Agosto 28 ang unang taon ng kanyang kamatayan. Sa loob ng mga panahong ito ay madalas na-aalala si nanay. Sa bawat kasiyahan at pagtitipon ay madalas nasasambit na sana ay nandito si nanay. Tunay na nakakamis ang kanyang pag-aalala at pagmamahal sa amin.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng babang luksa? Ito ay pagbabawas ng dalamhati ng mga naulila. Nag-aalay din ng misa o dasal para sa kaluluwa ng namatay. Para sa mga debotong katolikong Pilipino ay nagsusuot ng itim na damit o naglalagay ng itim na pin sa dibdib kapag may namatay sa kanilang pamilya. Pagkatapos ng babang luksa ay maaari ng magsuot ng mga de color na damit at tanggalin ang pin.
Wala man si nanay sa aming piling ay masaya na rin ako. Dahil naniniwala ako na maligaya na sya ngayon sa piling ng ating Poong Maykapal.
No comments:
Post a Comment