Limang OFW Exit Visa Due To Saudization?
Ayon sa nabasa ko sa Philstar, 5 OFW ang nasamplolan ng Saudization. Para sa mga makakabasa ay tiyak na matatakot sa balitang ito. Ang unang apat ay nagbakasyon lamang. Subalit pagdating sa Immigration ay tinatakan sila ng Exit Only. At ang isa naman ay nagbakasyon sa Pinas at pabalik naman sa Saudi. Dahil di nya napansin na Exit Only ang nakatatak ay nagtungo pa sya ng airport.
May similarity din sa aking na post noong June about switching of exit-reentry visa to exit only doon naman sa Indian nationals. Subalit ito ay pinagbulaan ng official ng Passport office.
Sa aking pagkakaalam ay November palang sisimulan ang kanilang Nitaqat campaign. Kaya nga't meron tatlong category na binibigay sa mga company .
Tuloy nagdagsaan ang mga negatibong komento dito. Allow me to post some of them.
from: IKUY2 posted on Jul 11, 2011 04:14 PM
mga kababayan wag po kayong maniniwala sa writer na ito na si ELLEN FERNANDO wala pong kredibilidad ang taong ito..sya rin po ang nag sulat noon at pinangunahan ang mga pangyayaring magaganap dito noong nakaraang "March 11, 2011 Day of Rage" dito sa Saudi Arabia. na lumikha ng takot sa mga pamilya ng mga OFW dyan sa Pinas.
sa mga vacationing OFW po exit/re-entry po ang nasa visa nyo, at syempre uuwi ka ng pinas totoo na tatatakan ng exit ang passport mo sa saudi airport kasi nga lalabas ka ng bansa nila at kung babalik po kayo e re-entry naman ang itatak sa passport nyo. Kung final exit ang nasa visa nyo, dun hindi na kayo pedeng bumalik dito sa saudi...
totoo ang Saudization ang mali ang ang mga impormasyong ipinapakalat ng mg a iresponsableng mga mamamahayag
Tama ... eversince ganyan naman talaga ang process. Kapag dumaan ka ng Saudi Immigration 2 ang tatatakan ng Officer ng "Exit"-with arabic date. Una, ang Passport mo, pangalawa ung Exit/Re-Entry visa mo dun sa box sa lower left. Dun kasi ibase ung departure date mo para mabilang ung validity ng exit/re-entry visa mo. Saka nakalagay na Note dun sa exit/re-entry visa mo na dapat meron syang stamp na Exit kasi pag wala hindi ka papapasukin pagdating mo dito. Kaya dapat talaga maverify ung ganitong balita dahil baka haka-haka na naman ito. Yung kesyo kwento ni ganito..kwento ni ganyan at wala naman talagang first hand info na binigay sa Phil. Embassy.
full story
I hope na magkaroon clarification mula sa ating embahada dito sa Saudi Arabia tungkol sa 5 kaso na ito. Dahil marami na ang nangangamba sa Saudization na yan ay sasabayan pang ganitong mga balita.
No comments:
Post a Comment