Sunday Gospel "The Parable of the Talents " November 13, 2011
The Parable of the Talents Matthew 25: 14-30
25:14 “For it is like a man going on a journey, who summoned his slaves and entrusted his property to them. 25:15 To one he gave five talents, to another two, and to another one, each according to his ability. Then he went on his journey. 25:16 The one who had received five talents went off right away and put his money to work and gained five more. 25:17 In the same way, the one who had two gained two more. 25:18 But the one who had received one talent went out and dug a hole in the ground and hid his master’s money in it. 25:19 After a long time, the master of those slaves came and settled his accounts with them. 25:20 The one who had received the five talents came and brought five more, saying, ‘Sir, you entrusted me with five talents. See, I have gained five more.’ 25:21 His master answered, ‘Well done, good and faithful slave! You have been faithful in a few things. I will put you in charge of many things. Enter into the joy of your master.’ 25:22 The one with the two talents also came and said, ‘Sir, you entrusted two talents to me. See, I have gained two more.’ 25:23 His master answered, ‘Well done, good and faithful slave! You have been faithful with a few things. I will put you in charge of many things. Enter into the joy of your master.’ 25:24 Then the one who had received the one talent came and said, ‘Sir, I knew that you were a hard man, harvesting where you did not sow, and gathering where you did not scatter seed, 25:25 so I was afraid, and I went and hid your talent in the ground. See, you have what is yours.’ 25:26 But his master answered, ‘Evil and lazy slave! So you knew that I harvest where I didn’t sow and gather where I didn’t scatter? 25:27 Then you should have deposited my money with the bankers, and on my return I would have received my money back with interest! 25:28 Therefore take the talent from him and give it to the one who has ten. 25:29 For the one who has will be given more, and he will have more than enough. But the one who does not have, even what he has will be taken from him. 25:30 And throw that worthless slave into the outer darkness, where there will be weeping and gnashing of teeth.’
Ebanghelyo (Gospel) Mateo 25: 14-30
Talinhaga Tungkol sa Tatlong Alipin
14 "Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang taong maglalakbay. Kaya't tinawag niya ang kanyang mga tauhan at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. 15 Binigyan niya ng salaping ginto ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Binigyan niya ang isa ng limanlibong salaping ginto, ang isa nama'y dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isanlibong salaping ginto. Pagkatapos nito, siya'y umalis. 16 Kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal iyon. Kumita siya ng limanlibong salaping ginto. 17 Gayundin naman, ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto ay kumita pa ng dalawang libong salaping ginto. 18 Ngunit ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon. 19 "Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga tauhang iyon at sila'y pinag-ulat. 20 Lumapit ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at sinabi, 'Panginoon, ito po ang limanlibong salaping ginto na iniwan ninyo sa akin. Heto naman po ang limanlibong salaping ginto na tinubo nito.' 21 "Sinabi sa kanya ng panginoon, 'Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, makihati ka sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.' 22 "Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto at ang sabi, 'Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.' 23"Sinabi ng kanyang panginoon, 'Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya't pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!' 24 "Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto at sinabi, 'Alam ko pong kayo'y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. 25 Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang salaping iniwanan ninyo sa akin.' 26 "Sumagot ang kanyang panginoon, 'Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko tanim at inaani ang hindi ko inihasik, 27 bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano'y may tinubo sana ito! 28 Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. 29 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 30 Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.'"