Eight Days Before Christmas - Misa de Gallo or Midnight Mass
8 Days na lang at Christmas na. Kaya gusto kong mag countdown by counting the Filipino customs and traditions during this Holiday seasons. My fifth item "Misa de Gallo or Midnight Mass."Ika labing anim ng Desyembre ang simula ng Misa de Gallo at itoy matatapos sa ika bente kuartro. Ito ay tinatawag na midnight mass at literally Rooster mass. Dahil Nagsisimula sa ganap ng 12:00 A.M. Ang Misa de Gallo ay originally nagmula sa bansang Mexico noong 1587.
Madaling araw ay ginigising na ang mga parokyano sa mga kalembang ng simbahan. Naging tradition na sa mga Katoliko ang siyam na gabing novena na misa para sa paghahanda sa pagsilang ng Panginoong Jesus. Ang siyam na gabi ay nagsymbolize ng siyam na buwan na pagdadalang tao ng ating Mahal na Inang Birheng Maria.
Nakaugalihan na sa atin ang misa ay nagsisimula 3:00-4:30 am. Kasi noong panahon ng mga Kastila ay ginawang madaling araw ang mga misa ng mga pari para sa ganun ay makadalo ang mga magsasaka bago sila tumungo sa kanilang pilapil.
May mga simbahan naman na nagdadaos ng Misa de Gallo sa gabi. Upang makadalo ang mga parokyano na di makagising ng maaga o may trabaho. Tulad sa naging kaugalian ay kinukumpleto din nila ang 9 na gabing misa.
Ang lahat ay nasasabik sa mga araw ng ito. Dahil napakasarap maglakad sa malamig ng hangin sa madaling araw. Marami kang mabibiling masasarap na puto bung-bong, putong kawali at suman na may kasamang kinayod na nyog. Na kung saan ay malalanghap mo ang bango at aroma nito habang niluluto sa clay na kalan. Meron din maiinit na salabat.
Simbang gabi ay sa sa mga tagalog na awitin na kinagigiliwan kong marinig tuwing misa de gallo. Ganito din ang ginagawa bago magsimula ang misa. Para lalo magising ang mga parokyano. Ang mga koro ay umaawit ng iba't ibang kantang pamasko. Naging choir kami ng Sweetheart ko noong araw. Meron siyam na choir sa aming parokya, Immaculate Concepcion. Kaya sa loob ng 9 na araw ay may isang choir ang naka assign. At pagdating sa 24 ng midnight ay sama sama na kaming lahat ng mga choirs.
Simbang Gabi Song
Simbang gabi simula ng pakso
Sa puso ng lahing pilipino
Siyam na gabi kaming gumigising
Sa tugtog ng kampanang walang tigil
Ding dong ding dong ding
Maaga kami kinabukasan
Lalakad kaming langkay-langkay
Babatiin ang ninong at ninang
Ng maligayang pasko po
At hahalik ng kamay
Lahat kami'y masayang-masaya
At puno ang bulsa
Hindi namin malimutlimutan ang masarap na puto't suman
Matutulog kami ng mahimbing
Simbang gabi simula ng pakso
Sa puso ng lahing pilipino
Siyam na gabi kaming gumigising
Sa tugtog ng kampanang walang tigil
Ding dong ding dong ding
Pasko na! pasko na!
May parol na nagbitin!
Nakikita na sa mga bitwin
Ang pagsilang ng nino sa belen
Luwalhati luwalhati sa diyos
Sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan sa
Mga taong may mabuting kalooban!
Ang mga kahalagahan ng Misa de Gallo sa mga Katolikong Pilipino. Hindi lang ito isang tradition na ginaganap dahil sa kailangan gawin. Dito rin lalo nagbibigkis ang samahan ng isang pamilya. Lumalalim ang ating pananampalataya . Ang indolohensya na matatanggap sa siyam na araw ng novena. Hindi na importante kung hindi mo mabuo ang 9 na misa. Ang pagpapala ay hindi binabatay sa dami ng misa na nadaluhan mo. Higit na mahalaga ay maihanda, spiritually, ang bawat isa sa pagsilang ang ating Panginoon Jesus. At paano mo Siya tinanggap sa iyong puso.
Words of Wisdom
But if we hope for what we do not yet have, we wait for it patiently.
Romans 8:25
But if we hope for what we do not yet have, we wait for it patiently.
Romans 8:25
Photo by: rick pusong
6 comments:
naalala ko yang kantang yan...
nanalo ang klase namin nung 3rd year highschool sa choral singing dahil sa piyesang yan. hindi man kami nanalo sa best in classroom decoration, mas proud kaming nanalo sa choral competition.
naalala ko nun, nung time na nagjajudge ng classroom... pinapwesto ko ang klase at sabay kumanta! nadivert ang attention ng judges eh! (kase naman hindi namin talaga pinagaksayahan ng panahon ang pagdedecor kakarehearse!)
hay! namiss ko sila!!!
(isa lamang akong hamak na taga-kumpas! dahil wala akong talent sa pagkanta!)
A-Z-E-L * WOW ANG GALING! sarap balikan ang magagandang alala ng ating kapaskohan. thank you for sharing this lovely story.
Sa tanang buhay ko, d ako nkaperfect ng pagmiMisa de Gallo hehehe tamad bumangon eh jijiji...
Favorite ko yan among the Tagalog Christmas carols sung by choirs.
Aha! Singer ka pala! Bweno, kapag nagkaroon ng isang pagtitipon at mayroong sing-along, ikaw ang una kong isasalang! Hehe.
True. Ramdam ko nga rin ang pagkakabigkis ng pamilya tuwing uma-attend sila ng Simbang Gabi.
Para sa akin, a family that attends mass together, lives happily. (Ano raw?).
Totoo naman di ba?
Jag- tulad ng nasibi ko na di nakukuha ang pagpapalala sa dami ng misa. kundi nasa puso natin kung paaano natin Sya tinanggap sa atin buhay.
Nebz - pwede bang lip sing ko na lang hehehe. Alm mo bang pagsimbang gabi ay halos kumpleto ang mga in laws ko sa simbahan. pati na rin ang mga tiyo at tiya nila. Masarap talaga ang feelings kapag magkakasama kayo sa church na buong family.
omg eight days before christmas!!!!!♥
and only four more days of school until CHRISTMAS
VACATION BABY! how many are left for you ?
what do you want for christmas ? What do you do on christmas morning or eve? any traditions ?!?!?!
Post a Comment